KOMPOSISYON NG MGA CLUSTER
KOMPOSISYON NG MGA CLUSTER
MGA PALARO
PAMPASIGLANG
SAYAWAN SA BSWM
(BSWM CHEERDANCE COMPETITION)
PANG KAHALATANG PATNUBAY
Ang bawat koponan ay binubuo ng sumusunod na cluster/grupo:
Admin/DO/ADO
Assessment & Mapping (ALMED, GSITD, SSD)
Technical Assistance: (SCMD, WRMD)
Laboratory Services: LSD
Research for Development (HighPEZ, HillPEZ, LuPEZ)
Inaasahan na ang bawat grupo ay magkakaroon ng partisipasyon sa pampasiglang sayaw sa BSWM.
Ang bawat grupo ay dapat binubuo ng hindi bababa sa 15 at hindi hihigit sa 20 na kalahok.
Ang bawat pagtatanghal ay dapat hindi bababa ng 4 minuto at hindi lalagpas ng 7 minuto, kasama na ang pagpasok at paglabas sa entablado.
Ang hindi pagsunod sa ibinigay na oras ng pagtatanghal ay may kalakip na kabawasan sa puntos kada minuto.
Ang gagamiting musika ay dapat Pinoy Pop (P-Pop) mula sa anumang panahon at henerasyon.
Maaaring pagsamahin ang iba’t ibang kanta basta’t pasok sa temang P-Pop.
Ang paggamit ng mga tambol at iba pang instrumento ay pinapayagan.
Ang mga routine ng sayaw ay freestyle. Maaaring pagsamahin ang hip hop, modern, etniko, at iba pa.
Hindi pinapayagan ang malaswa at mapanirang lyrics.
Ang mga kasuotan ay dapat maayos at naaayon sa tema ng pagtatanghal
Hindi pinapayagan ang sobrang maikli o hindi angkop na kasuotan
Ang paggamit ng mga hindi angkop na wika ay mahigpit na ipinagbabawal.
Ang pagiging malakas at malinaw ng mga salita ay hinihikayat.
Kailangang magpasa ng final music at listahan ang mga kalahok tatlong (3) araw bago ang kompetisyon.
Mag ensayo upang maiwasan ang aksidente.
Maglagay ng spotter at maging maingat sa pag perform. Maging propesyonal at ipakita ang sportmanship bago, habang,at pagkatapos ng kompetisyon.
Mahigpit na ipinagbabawal ang paghahagis ng miyembro.
Ang mga galaw tulad ng cartwheel, back-turns, at iba pa ay ipinagbabawal din upang matiyak ang kaligtasan.
Kung may lalabag sa pangkalahatang patnubay at patakaran ng palahok.
Paggamit ng mapanganib na stunts na maaring magdulot ng pinsala sa kahit sinuman.
Props na maaaring makasagabal sa iba pang kalahok.
Kilos o ekspresyon na hindi naaayon sa pampublikong pagtatanghal.
Choreography & Creativity 30%
Synchronization & timing 25%
Execution and Difficulty of Stunts 25%
Energy & Audience Impact 5%
Costume & Overall Presentation 15%
Total 100%
KAMPEON P 10,000.00
1st Runner Up P 5,000.00
2nd Runner Up P 2,500.00
Special Awards
Best in Costume P 1,000.00
Best in Choreography P 1,000.00
Most Energetic Team P 1,000.00
GALING PINOY!
GALING BSWM!
PANG KAHALATANG PATNUBAY
Ang bawat division/center/admin/unit ay magkakaroon ng sampung (10) manlalaro.
Ang manlalaro ay dadaan sa iba’t iba lebel ng palaro.
Sa bawat lebel ay magkakaroon ng tanggalan.
PREMYO
Ang matitira sa huling lebel ang siyang tatanghaling nating
GALING PINOY! GALING BSWM! at siya ay mag uuwi ng
P 15,000.00
LEBEL 1: i-TUMBA MO! i-BUBUGTONG KO! (Tumbang Preso)
BILANG NG MANLALARO
Ang mga manlalaro ay mahahati sa apat na grupo na binubuo ng dalawang pu’t limang (25) katao.
LAYUNIN NG LARO
Katulad ng normal na laro na tumbang preso ang manlalaro ay dapat mapatumba ang lata gamit ang tsinelas at kapag na tumba ang lata, ang manlalaro ay kailangan kunin ang bugtong na nasa lata, at kailangan itong sagutin ng tama. Ang bawat tamang sagot ay katumbas ng isang puntos.
Ang dalawang grupong makakalikum ng pinakamataas na puntos ang siya makakapunta sa susunod na lebel.
PANUTO SA PAGLALARO
Ang laro ay magsisimula sa pagbato sa lata. Magkakaroon ng iba’t ibang distansya sa lata. Bibigyan lamang ng isang pagkakataon ang bawat manlalaro sa pagbato ng tsinelas. Sa bawat di patumba ng lata ay ito ring paglayo nito ng distansya sa lata. Kapag narating nito ang pinaka dulong distansya na hindi napapatumba ang lata, ay hindi ito makakalikum ng puntos.
Sa mga manlalaro namang makakatumba ng lata ay kailangan kunin ang bugtong sa lata at kailangan sagutin ito sa loob ng 30 seconds upang makakuha ng puntos.
Ang bawat manlalaro ang magkakaroon ng isang pagkakataon para gawin ang paligsahan.
LEBEL 2: ANG HUMARANG GIBA! (Patintero)
BILANG NG MANLALARO
Ang mga manlalaro ay mahahati sa sampung grupo na binubuo ng limang (5) katao.
Dalawang grupo ang maglalaban: Limang (5) Bangon (Runners), laban sa limang (5) taya (Taggers).
LAYUNIN NG LARO
Kailangang makalagpas ang mga Bangon sa lahat ng linya, mula sa una hanggang sa dulo, at makabalik muli sa lugar na pinagsimulan (starting area), ng hindi sila natataya.
Ang mga Taya naman ay magbabantay, isang tao sa bawat linya, at pipigilang makalagpas ang mga Bangon sa pamamagitan ng paghuli at pagtaya gamit ang tapik o pag-abot ng kamay sa harap (hindi sa likod) na bahagi ng katawan.
Ang grupo makakalikum ng madaming puntos ang siyang makakapunta sa susunod na lebel.
PANUTO SA PAGLALARO
Ang laro ay pasisimulan sa pamamagitan ng Jack-en-Poy o Bato-bato Pik. Ang sinumang manalo, sila ang unang pangkat na maglalaro bilang mga Bangon.
Ang mga Bangon ay magsisimula sa unang linya at susubok na makalagpas sa bawat linya.
Ang Taya ay magbabantay sa bawat linya sa pamamagitan ng pagtayo at pagbaybay pahalang sa linya ng nakadipa ang mga kamay. Susubukan niyang abutin at matapik ng kanyang palad o mga daliri ang harapang bahagi ng katawan ng Bangon na nagtatangkang makalagpas. Kailangang nakalapat ang dalawang paa sa linya habang nananaya. Hindi balido ang pagtaya na hindi nakalapat ang mga paa sa linya.
Kapag nakalagpag na sa linya ang Bangon, hindi nasiya maaring tayain ng nalagpasang bantay-taya,maliban na lamang kung pabalik na ito galing sa dulo.
Bawal lumagpas ang mga Bangon sa loob ng lugar nagpalaruan. Kapag lumagpas ang Bangon sa lugar ngpalaruan, ito ay ikukunsidirang nataya.
Ang bawat Bangon na makakababalik muli sa Lugar na pinagsimulan ay katumbas ng isang puntos.
Ang bawat grupo ay magkakaroon ng isang pagkakataon maging Bangon.
Ang palaro ang tatagal ng limang minuto (5).
LEBEL 3: KAPAG SAMA SAMA!
KAYANG KAYA!
(Relay of Larong Pinoy)
BILANG NG MANLALARO
Ang mga manlalaro ay mahahati sa limang grupo na binubuo ng limang (5) katao.
LAYUNIN NG LARO
Kailangang malampasan ng manlalaro ang mga istasyon na may nakalakip na pagsubok sa pinakamabilis nilang oras na magagawa.
Ang dalawang grupong na may pinakamabilis na magawa ang laro ang siyang tutuloy sa susunod na lebel.
PANUTO SA PAGLALARO
Ang mga manlalaro ay nakatali ang paa ng magkakasama, sila ay hahakbang ng sama sama patungo sa mga istayon upang gawing ang mga pagsubok.
Kailangan mag desisyon ang bawat manlalaro kung sino ang gagawa ng bawat pasubok.
Unang pagsubok: (10-20)
Kailangan maisagawa ng isang manlalaro ang 10-20 ng tama (ang pang 100 ay dapat natapakan ang garter) para makapunta sila sa susunod na istasyon.
Pangalawang pagsubok: (Jackstone)
Kailangan maisagawa ng isang manlalaro ang Jackstone ng tama para makapunta sila sa susunod na istasyon
Pangatlong pagsubok: (Jolens)
Kailangan maipasok ng isang manlalaro ang isang jolen sa butas para makapunta sila sa susunod na istasyon.
Pang-apat pagsubok: (Tanggal Katol)
Kailangan mapaghiwalay ng isang manlalaro ang pares ng katol na hindi ito nababale para makapunta sila sa susunod na istasyon.
Pang-limang pagsubok: (Sipa)
Kailangan maisagawa ang larong ito ng limang beses gamit ang paa para makapunta sila sa huling linya at sila ay makapasa sa paligsahan.
LEBEL 4: LUKSO NG LUBID (Luksong Lubid)
BILANG NG MANLALARO
Ang mga manlalaro ay hahanap ng kanilang kadugo este kaparehas para sa larong ito.
LAYUNIN NG LARO
Paramihan ng talon na magagawa sa lubid, kada talon ay katumbas ng isang puntos.
Ang dalawang magkapares na may mataas na puntos ang tutuloy sa huling lebel.
PANUTO SA PAGLALARO
Ang laro ay magsisimula sa pagtalon ng isang manlalaro, ang kasama nitong isa pangmanlalaro ay papasok lamang sa lubid kapag ito ay umiikot na. Magsisimula lamang ang bilang ng puntos kapag ang dalawang manlalaro na ang nasa loob ng lubid.
LEBEL 4: SUNGKAAN NA! (Sungka)
BILANG NG MANLALARO
Ang mga manlalaro na natitira ay maglalaban ng indibidwal.
LAYUNIN NG LARO
Makakuha ng maraming butil na mailalalagay sa kanyang imbakan
PANUTO SA PAGLALARO
Nagsasalitan ang mga manlalaro sa pagkakalat ng mga butil, maliban sa unang galaw na isinasagawa ng sabay ng manlalaro. Sa isang ikot, pipili ng isang pamahalaang butas (mula sa pitong mga butas) ang manlalaro. Aalisin ng manlalarong nakapili ng pamamahalaang butas ang lamang butil mula sa butas na ito at ikakalat ang mga ito sa bawat butas na madaraanan ng kaniyang ikot, pakanan (galaw na umaayon sa paikot at pakanang kilos ng mga kamay ng isang orasan). Tinatawag na "pagtatanim" ang galaw na ito ng manlalaro.
Nilalagpasan ng "pagtatanim" ng mga butil ang imbakan ng kalabang manlalaro, subalit hindi ang saliring imbakan ng kumikilos na manlalaro.
Kapag bumagsak naman ang huling butil sa isang may-lamang butas, kukuhanin ng manlalaro ang lahat ng laman ng butas na iyon, at magpapatuloy sa pagtatanim ng mga butil na nagsisimula sa butas ding iyon na pinagkunan ng mga bagong hawak na buto. Magpapatuloy ang paglalagay ng mga buto hanggang sa bumagsak ang pinakahuling buto sa imbakan ng isang manlalaro, o sa isang butas na walang laman.
Kung sakaling bumagsak ang huling buto sa imbakan ng isang manlalaro, kaagad na nagkakaroon ng dagdag na pagkakataong umikot ang manlalaro, na maaaring magsimula sa kahit ano sa pitong butas na pinamamahalaan nila.
Kapag bumagsak ang huling butil sa isang butas na walang laman na nasa gawi/pamahahala na manlalaro, malilikon ng manlalarong iyon ang lahat ng mga lamang butil ng butas.
Kung walang laman ang butas na nasa gawi ng kalaban, walang malilikom na mga butil ang manlalarong gumagalaw.
BASKETBALL
SHOOT OUT
PANG KAHALATANG PATNUBAY
BILANG NG MANLALARO
Ang bawat cluster ay magkakaroon ng 20 shooters (10 lalaki at 10 babae)
PANUTO SA PAGLALARO
Ang mga manlalaro ay dapat naka suot ng opisyal na BSWM Sportfest Shirts at wastong kasuotan katulad ng short, legwear at rubber shoes (Pinagbabawal ang pagsuot ng denim pants, slacks, sandals/sleepers)
Ang mga manlalaro ay dapat mag kundisyon ng katawan bago magsimula ang laro.
Ang mga manlalarong lalaki ay mag shoshoot sa likod ng 3 puntos na linya
Ang mga manlalarong babae naman ay mag shoshoot sa likod ng 2 puntos na linya.
Mayroon lamang pitong minuto sa pagshoshoot ng bola.
Dapat mayroon naka-assign na rebound ang bawat cluster.
Ang oras ang hihinto tuwing time-out o ang laro ay tiningil dahil sa injury.
Ang cluster na may pinakamataas na puntos na malilikum ang siya mananalo sa palaro.
VOLLEYBALL
PANG KAHALATANG PATNUBAY
BILANG NG MANLALARO
Ang bawat cluster ay magkakaroon ng 12 manlalaro (6 lalaki at 6 babae)
Anim na manlalaro ang aktibong maglalaro sa court kada cluster (Dapat ay 4 lalaki at 2 babae)
PANUTO SA PAGLALARO
Ang mga manlalaro ay dapat naka suot ng opisyal na BSWM Sportfest Shirts at wastong kasuotan katulad ng short, legwear at rubber shoes (Pinagbabawal ang pagsuot ng denim pants, slacks, sandals/sleepers)
Double Elimination Game
Ang serving cluster ay pagdedesisyunan sa pamamagitan ng toss coin, sa presensya ng mga Kapitan ng bawat cluster
Ang bawat set ay mapapanalunan ng cluster na una makakuha ng score na 25 points, na may lead na 2 points. Halimbawa, kapag 24-24 tie, ang laro ay magpapatuloy hanggang maka two-point lead. (26-24; 27-25; etc.)
Ang cluster na makakapanalo ng dalawang sets ang siya mananalo sa laro. Kung sakaling magkaroon ng 1-1 tie, the 3rd set ay lalaruin hanggang 15 points na may lead na 2 points.
Sampung minuto warm-up ang ibibigay sa bawat cluster
BADMINTON
PANG KAHALATANG PATNUBAY
BILANG NG MANLALARO
Ang bawat cluster ay magkakaroon ng 2 manlalaro (mixed doubles, 1 lalaki and 1 babae)
PANUTO SA PAGLALARO
Ang mga manlalaro ay dapat naka suot ng opisyal na BSWM Sportfest Shirts at wastong kasuotan katulad ng short, legwear at rubber shoes (Pinagbabawal ang pagsuot ng denim pants, slacks, sandals/sleepers)
Ang serving cluster ay pagdedesisyunan sa pamamagitan ng toss coin
Ang laro ay best of 3 games.
Ang bawat set ay mapapanalunan ng cluster na una makakuha ng score na 21 points, na may lead na 2 points. Halimbawa, kapag 21-21 tie, ang laro ay magpapatuloy hanggang maka two-point lead. (21-23; 22-24; etc.)
Ang cluster na makakapanalo ng dalawang sets ang siya mananalo sa laro. Kung sakaling magkaroon ng 1-1 tie, the 3rd set ay lalaruin.
Sampung minuto warm-up ang ibibigay sa bawat cluster
BRACKET
Magkakaroon ng bunotan bago magsimula ang laro, bubunutin ng bawat cluster kung sino ang magiging Team 1, Team 2, Team 3, Team 4 at B.Y.E.
Ang B.Y.E ay ang cluster na aabante sa susunod na round ng hindi lumalaban sa previous round.
Ang cluster na maglalaban sa Game 3 ay pagde-desisyunan sa pagbunot ng B.Y.E.
Walang Twice to beat para sa Winner ng Game 5.
Kapag ang cluster ay hindi dumating sa loob ng 10 minuto pagkatapos ng tinakdang oras, sila ay hahatulan ng pagkatalo.