CULTURAL PRESENTATION
MAY 30, 2025 (AFTERNOON)
CULTURAL PRESENTATION
MAY 30, 2025 (AFTERNOON)
(MODERN FOLKDANCE)
PANG KAHALATANG PATNUBAY
Ang bawat koponan ay binubuo ng sumusunod na cluster/grupo:
Admin/DO/ADO
Assessment & Mapping (ALMED, GSITD, SSD)
Technical Assistance: (SCMD, WRMD)
Laboratory Services: LSD
Research for Development (HighPEZ, HillPEZ, LuPEZ)
Inaasahan na ang bawat grupo ay magkakaroon ng partisipasyon sa Modern Folkdance sa BSWM.
Ang bawat grupo ay dapat binubuo ng hindi bababa sa 10 na kalahok
Ang bawat pagtatanghal ay dapat hindi bababa ng 4 minuto at hindi lalagpas ng 7 minuto, kasama na ang pagpasok at paglabas sa entablado.
Ang isang Pinoy pop (P-Pop) na musika (o remix na may halong tradisyunal na katutubong awitin) ay kailangang gamitin kasama ng alinman sa mga hakbang mula sa mga tanyag na katutubong sayaw sa Pilipinas (halimbawa: mga hakbang ng Pandanggo sa Ilaw na hinaluan ng modernong galaw sa saliw ng kantang 'Pantropiko' ng BINI o iba pang remix na kanta).
Ang mga kasuotan ay dapat maayos at naaayon sa tema ng pagtatanghal
Hindi pinapayagan ang sobrang maikli o hindi angkop na kasuotan
Maaaring gumamit ng anumang uri ng props sa pagtatanghal
Choreography & Creativity 30%
Synchronization & timing 25%
"Filipino Vibes" execution 25%
Energy & Audience Impact 5%
Costume & Overall Presentation 15%
Total 100%
KAMPEON P 5,000.00
1st Runner Up P 2,000.00
2nd Runner Up P 1,000.00
(MODERN BALAGTASAN)
PANG KAHALATANG PATNUBAY
Ang bawat koponan ay binubuo ng sumusunod na cluster/grupo:
Admin/DO/ADO
Assessment & Mapping (ALMED, GSITD, SSD)
Technical Assistance: (SCMD, WRMD)
Laboratory Services: LSD
Research for Development (HighPEZ, HillPEZ, LuPEZ)
Inaasahan na ang bawat grupo ay magkakaroon ng partisipasyon sa Modern Balagtasan sa BSWM.
Ang bawat grupo ay dapat binubuo ng apat (4) na kalahok.
PROSESO NG LARO
Magbibigay ng isang trivia question na may kaugnayan sa BSWM. Ang grupong unang makapagbibigay ng tamang sagot ang ituturing na panalo sa round na iyon at magkakaroon ng kapangyarihang pumili para sa susunod na round
SILA MUNA:
Ang nanalong grupo ang pipili ng dalawang ibang grupo na maglalaban sa isang Balagtasan Battle
LABAN NA:
Ang nanalong grupo ang pipili ng makakalaban at maaari rin silang pumili kung aling panig ang kanilang ipaglalaban sa Balagtasan.
Pipili ng paksa mula sa listahan ng mga tanong na ibibigay dalawang araw bago ang laro.
Bawat miyembro ng grupo ay may 1 minutong oras upang ipagtanggol ang kanilang argumento.
Ang hurado ang magpapasya kung sinong grupo ang mananalo sa debate.
Ang matatalong grupo ay matatanggal sa laro.
Pagkatapos nito, magpapatuloy muli ang round ng “ALAM MO BA?” para sa mga natitirang grupo.
TAGUMPAY:
Ang huling grupong matitirang hindi natatalo ang ide-deklarang KAMPEON ng paligsahan.
Sila ay pararangalan sa huling bahagi ng programa at tatanggap ng gantimpala bilang pagkilala sa kanilang galing, talino, at husay sa pagpapahayag.
KAMPEON P 5,000.00
1st Runner Up P 2,000.00
2nd Runner Up P 1,000.00