Mga pagkaing mataas sa bitamina at mineral ay angkop para sa mga batang may ASD, ngunit mga maaalat at prosesong pagkain na wala gaanong sustansya ay dapat iwasan. Ayon sa Cross River Therapy (2022), ito ang mga pagkain na makakatulong sa diyeta ng bata may ASD:
Beans (tulad ng black beans, pinto beans, navy beans)
Peanuts o Mani / Peanut butter
Eggs o Itlog
Mushrooms
Seafood o mga pagkaing-dagat
Lean beef, chicken, turkey
Mga gulay tulad ng: Broccoli, Spinach, Carrots
Onion, Garlic, Tomatoes, Sweet red pepper
Mga prutas tulad ng: Mango, Melon, Avocado, Citrus fruits (tulad ng orange at pomelo etc.)
Soy milk
Almonds
Fortified breakfast cereal, Oatmeal
Dark chocolate (pang-minsanang matamis na pagkain)
Rice
Ayon sa Child Mind Institute (2021), ang mga batang may ASD ay karaniwan nagkakaroon ng problema sa pagkain at mahirap para pakainin sila ng mga masustansiyang pagkain dahil sa kagustuhan ng partikular na pagkain na nagbibigay paramdam sa kanilang bibig tulad ng malalambot or malutong na mga pagkain. Mahirap din magpakilala ng bagong pagkain at baguhin ang kanilang nakasanayan sa pagkain.
Mga iba’t ibang paraan upang makatulong sa pagbigay ng partikular na diyeta para sa mga bata may ASD upang matulungan mapalawak ang pagkain ng bata ng mga masustansiyang mga pagkain: (Cross River Therapy, 2022; Child Mind Institute, 2021)
Ipakilala ang bagong pagkain paunti-unti sa bata
Ibigay ang mga prutas at gulay kasama ng kaunting paborito nilang pagkain tuwang kainan
Gawing masaya ang pagkain tulad ng paghulma ng mga pagkain sa iba’t ibang hugis upang makuha ang atensyon ng bata at umasam tuwing oras ng kainan
Maaring mag dikit ng mga imahe ng mga angkop at masustansiyang pagkain upang maalala ng bata ang mga pagkain na dapat kainin
Purihin ang bata tuwing kumakain ng mga masustansiyang pagkain
Sabayan ng pamilya kumain ng mga masustansiyang pagkain ang bata
Huwag ipilit ang pagkain sa bata (Magbigay ng mga sampung minuto ngunit pagkalipas ng sampung minuto at ayaw pa din ng bata ay huwang na ipilit pa)
Huwag pilitin sa bata na ubusan lahat sa plato niya at hayaan na kainin niya ang mga kaya niya lang kainin
Ulit ulitin ipakilala sa bata ang panibagong pagkain (Maaring magustuhan ng bata ang partikular na pagkain na iyon pagkatapos ng ilang araw, buwan, o taon)
Maaaring makatulong para sa magulang ang paggamit ng Behavioral Modification Techniques upang magkaroon ng mabuting pagbabago sa ugali ng bata sa iba’t ibang sitwasyon. Ito ay ilan sa mga halimbawa:
Maaari tayong gumamit ng token economy kung saan ang bata ay makakakuha ng rewards sa tuwing mayroon siyang nagagawang magandang gawain o nagpapakita ng mabuting asal. Ang pagamit ng mga premyo o reward ay makakatulong sa bata upang alalahanin ang mga inaasahang asal sa kanya. Maaaring iba't ibang premyo ang ibigay sa bata depende sa kanyang ginawa. Halimbawa, mas gagandahan ang kanyang premyo kapag ang kanyang ginawa ay mas kapansin-pansin at babawasan naman ang premyo kapag siya ay may ginawang hindi kanais-nais.
Maari ring gumamit ng positive o negative punishment kung saan maaaring mabawasan ang mga hindi kanais nais na ugali o gawain ng bata
Mga halimbawa:
Hahabaan ang oras - Sa pangyayaring nawala ang atensyon ng bata at tumayo sa kanyang kinauupuan sa loob ng limang minuto, kakailanganin niya tapusin ang kanyang ginagawa sa loob ng sampung minuto na hindi tumatayo
Kung siya ay magkakamali sa ika-limang tanong sa pag-eensayo ng wh-questions, maaaring ulitin muli ng magulang ang pagtatanong mula sa unang tanong
Maaari siyang pagawain ng pisikal na aktibidad (pagwawalis, paggawa ng exercise tulad ng jumping jacks) sa tuwing siya ay magpapakita ng manipulative behavior tulad ng mga tantrums
Mga paalala sa pag gamit nito:
Dapat ay klaro sa magulang at bata ang mga kondisyon sa mga BMT na tulad ng token system.
May kalakip na responsibilidad ang magulang na magawa ito sa paraang “tama lang” para sa bata. Halimbawa na lamang ang punishments kung saan maaaring magbigay takot at pangamba lamang ang mga ito sa bata kung ito ay sumobra. Hindi ito dapat maging daan upang magkaroon ng abuso at hindi ito makakatulong sa pagtatama ng behavior ng bata.
Magbigay ng encouragements tulad ng ngiti o pagpuri kung tama ang ginagawa ng bata. Kung siya naman ay magkakamali, dapat ay maituro o maiulit sa kanya kung ano ang tama.
Mahalagang maging strikto at consistent ang magulang sa mga ito upang hindi magkaroon ng pagkalito sa bata.
Maaaring gumamit ng prompts (verbal, physical, gestural) upang maensayo ang bata kung kailan dapat ipakita ang isang skill o sabihin ang mga bagay sa sitwasyon. Makatutulong ang mga ito lalo na sa pagtuturo sa kanya ng social and language skills
Puwede natin tulungan ang mga bata na palawakin ang kanilang kaalaman sa language or lenguaghe sa maraming paraan! Iilan sa mga ito ay ang tinatawag na
Infotalk o Parallel Talk
Ito ay isang paraan na makakatulong sa pagpapalawak ng kaalaman sa mga salita. Sa paraan na ito, papanoorin lamang ang ginagawa ng bata, at sabay sasabihin ang kanyang ginagawa.
Kapag sinasabi natin ang mga aksyon ng bata habang ginagawa niya ito, natututo siyang pag-ugnayin ang salita sa aksyon o bagay na ginagamit niya. At dahil dito, makakatulong tayo sa pag papalawak ng mga salitang maiintindihan nila, at salitang puwede nilang gamitin kapag tayo ay kinakausap nila.
Panoorin ang video na ito bilang halimbawa.
Echotalk
Ang paraan na ito ay epektibo kapag madalas nakikipag-usap ang bata sa paraan ng gestures o paggalaw ng kanyang mga kamay at mata, o iba mang parte ng kanyang katawan. Kapag mayroon silang madalas na ginagamit na gestures para maindika ang isang bagay, aksyon, or hiling, maari natin itong gayahin, o i-“echo”.
Kapag ginagaya o ginagamit natin ang mga gestures ng bata, sabayan natin ito ng pagbigkas ng tamang salita na katumbas ng gesture na ito. Sa paraang ito, maari nating isanay siya na mayroon palang kaakibat na salita ang mga nais niyang iparating, at maari niyang matutunan sabihin ang mga salitang ito para makipag-usap.
Panoorin ang video na ito bilang halimbawa.
Wh-Questions
Upang mas mahikayat ang bata na sumagot sa mga wh-questions, iugnay po natin ito sa mga araw-araw na nakikita o nararanasan niya. Ito rin po ay makatutulong para magpabuti natin ang kanyang pag-unawa at abilidad na bumuo ng mga sagot na konektado sa pinag-uusapan.
Para po sa mga batang di pa gaanong sanay sa pagsagot ng wh-question, mabuti na i-practice natin sila dito sa mga pamilyar na konteksto. Maari natin ito gawin sa bahay at tanungin ang bata ng mga tanong patungkol sa kailan, saan, bakit, at sino gamit ang mga bagay, ganap, lugar, at taong pamilyar sa kanya.
Sa una, maari natin siya tulungan sa pagsagot, o sabihin mismo yung sagot kapag hindi pa kaya ng bata sagutin ang tanong. Kapag nakikita na natin na gumagaling na ang kanyang abilidad sa pagsagot, bawasan natin ng bawasan ang pagtulong sa pagsagot hanggang tunay na kaya na niya sumagot ng mga tanong mag-isa sa karamihan ng mga pagkakataon.
Panoorin ang video na nasa kanan.
Anu-ano ang mga benepisyo ng paggawa ng pisikal na aktibidad sa may mga ASD?
Pisikal na kalusugan
Mas malakas na katawan at mga buto
Hindi madaling mapagod
Pagkakaroon ng tamang timbang para sa kanyang edad
Mental na kalusugan
Mas maganda and mood
Nababawasan ang stress
Napapabuti ang pokus at atensyon
Pakikipag-usap
Mas napaparami ang oportunidad para makipag-usap sa iba
Napapabuti ang kanyang pamamaraan ng pakikipag usap
Mga aktibidad na pwedeng gawin:
Morning Exercise
Paglalakad (Walking) / Jogging
Dance o pagsasayaw
Sports