Individual Sports & Team Sports
Basketball
Ito na siguro ang pinakasikat na laro or sport sa ating bansa dahil nga ito ay madaling ma-access. Ang larong ito ay praktikal dahil kahit sa bahay maari syang magdribble o di kaya ay ung mga mga maliliit na basketball hoop na may stand ay maari niya maging libangan.
Swimming
Maraming bata ang gustung-gusto ang tubig dahil nagbibigay ito sa kanila ang pakiramdam ng pagiging kalmado. Ang pagiging kabilang sa team ng swimming ay itinuturing na isang therapeutic activity. Ito ay nagtuturo sa mga bata ng paulit-ulit na galaw gamit ang iba't ibang mga stroke tulad ng freestyle, backstroke at marami pang iba. Maaaring mukhang nakakatakot sa una, ngunit ang swimming ay nagpapahintulot sa mga bata na makipag kompetensya at mag improve sa kanilang sariling bilis.
Running
Maaaring tangkilikin din ang sport na ito dahil mas kaunti ang magiging komunikasyon sa ibang miyembro ng team kaysa sa iba pang aktibidad. Ang pagtakbo ay nagbibigay ng pinakamahusay na workout dahil ito ang perpektong paraan para sa pagsunog ng tensyon at enerhiya na nangyayari sa ating katawan.
Biking
Ang pagbibisikleta ay nagbibigay ng maraming benepisyo para sa mga bata. Ito ay nagtuturo sa mga bata ng balanse, kalayaan, at tibay. Ang pag-aaral na sumakay ng bisikleta ay maaaring mahirap sa una, ngunit maraming mga mapagkukunan na gawing mas madali ito. Bukod pa rito, nagbibigay ito ng mga benepisyo sa pag-iisip, tulad ng halaga ng pagpapasya.
Board games
Ang board games ay laro na nangangailangan ng kommunikasyon at “turn taking” sa ibang manlalaro na isang magandang paraan ng social participation. Nakatutulong din ito ng kanilang “frustration tolerance” at pagtaas ng kanilang attention span.
Mga halimbaawa ng board games/indoor sports
Scrabble
Chess
Snakes and ladders
Limitahan sa 2 oras araw-araw ang paggamit ng cellphone, kompyuter at paglalaro ng video games
Kapag naitatak na sa isip ng bata na benepisyal at nakalilibang ang mga physical activities, madadala niya yan sa paglaki. Kailangan ng superbisyon ng mga magulang kapag naglalaro ang kanilang anak.
DANCE
SWIMMING
BIKING
BOARD GAMES
TRACK AND FIELD