Ni: Maria Izza Christina Arce
Sa pagtindig ng bawat isa sa pakikibaka, ay may ilan ang nagsisilbing ilaw sa gitna ng dilim upang maging sandigan tungo sa demokrasya at buksan ang panibagong pintuan para sa mga Pilipino sa panahon ng rehemeng Marcos. Sa pagdiriwang muli ng EDSA Revolution ay muling mabubuksan para sa mga nakibaka ang mga alalalang hindi natin malilimutan. Isa ito sa mga mahahalagang araw para sa bawat Pilipino na makita ang kanilang bugso ng puso upang ipakita ang kanilang tapang upang patalsikin sa puwesto ang noong nakaupo na si Marcos Sr..
Sa libo-libong lumaban ay may mga tanyag na tao ang nanguna para makiisa at maging kaisa ng bawat mamamayang Pilipino. Sa kwento nina Jaime Cardinal Sin, Eugenio Apostol, at ang Saint Paul Sisters ay naging kasama sila ng mga kapwang Pilipino upang maangkin muli ang mga karapatang ating natatamasa ngayon. Ang kanilang sakripisyo, ang naging isang larawan na mamulat ang bawat isa sa ating milagro na kumawala sa dilim.
Jaime Cardinal
Ang kwento ng isa sa mga nakibaka noon na si Jaime Cardinal Sin, para maging isang instrumento upang magbigay ng liwanag sa libo-libong mga Filipino na maiusad tayo tungo sa demokrasyang ating hinahangad. Sa kwento, noong Pebrero 22, tinanong ng Arsobispo ng Maynila ang mga tao na suportahan ang Ramos, Enrile at iba pang mga sundalong rebelde. Humingi siya ng pagkain at iba pang tulong mula sa Radio Veritas, ang Simbahang Katoliko - himpilang pag-aari ng mga Katoliko, na nag -uulat sa pag-aalsa laban kay Marcos noong Pebrero 1986. Ang kanyang panawagan ay dumating pagkatapos ng isang pag-uusap kay Enrile tungkol sa kanilang plano, mga plano at sa pagkondena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa nangyaring pekeng snap election. Muli siyang naglaro ng isang pangunahing papel sa isa pang tanyag na pag-aalsa laban kay Estrada noong 2001. Noong 2005, pumanaw si Cardinal Sin dahil sa failure ng kanyang bato sa edad na 76.
Two Daughters of Saint Paul Sisters
Isa sa ginawang istratehiya noong EDSA Uno ang paghahanay sa unahan ng mga relihiyosong lider dahil sa kanilang taglay na epekto sa puso ng masang Pilipino kabilang ng mga militar para sa oposisyon. Dalawa sa hindi nag-atubiling sumali rito ay sina Sr Porfiria Ocariza and Sr Teresita Burias na nanguna sa pagdarasal ng “Aba Ginoong Maria” kasama ang ibang nakikibaka. Dahil sa kanilang hanay ay huminto sa pagpapaputok ang armadong grupo. Isa itong manipestasyon na malaking bagay ang paniniwala at relihiyon sa pagiimpluwensya ng kaisipan ng ating kapwa Pilipino. Ang panalangin ng dalawang kababaihang ito ay isa sa nagpaumpisa ng kapayaan na hindi lang natapos noong kasagsagan ng EDSA People Power
Eugenia Apostol
Malaki ang naging papel ng pamamahayag sa pakikipaglaban sa mapulit na rehimeng Marcos Sr. Isa sa mga nagambag sa larangang ito ay si Eugenia Apostol kung saan ginamit niya ang kanyang mga publikasyon, gaya ng magasing Mr. & Ms. at Philippine Daily Inquirer, upang aklasin ang katiwalian at mga paglabag sa karapatang pantao. Kasunod ng pagpaslang kay Ninoy Aquino noong 1983, muli niyang inilunsad sina Mr. & Ms. bilang isang plataporma ng pagbubunyag ng katotohanan upang tutulan ang maling impormasyong dala ng gobyerno. Ang pagsakop ng Inquirer sa mapanlinlang na mabilis na halalan noong 1986 ay nagpasiklab ng galit ng publiko, na kalaunan ay nag-ambag sa pagpapatalsik kay Marcos. Nagpatuloy si Apostol sa pagtataguyod ng kalayaan sa pamamahayag pagkatapos ng rebolusyon, na nagtatag ng Foundation for Worldwide People Power. Binibigyang-diin ng kanyang pamana ang kahalagahan ng pamamahayag sa pangangalaga ng ating demokrasya.
Ang People Power Ngayon
Sa kasalukuyan kung saan tila nagbubukas tayo muli ng isang pinto upang sumigaw para sa ating tunay na kalayaan. Sa pagkumpas ng panahon, sana’y patuloy pa rin tayong makibaka upang kamitin ang hinahangad na demokrasya na nararapat sa atin. Isang paalala na tila’y nakagapos pa rin tayo sa ating karapatan upang makuha ang isang binhi ng kaginhawaan. Nawa’y maging dahilan ng ating pakikibaka ang reyalidad ng ating kapwa Pilipinong salat sa edukasyon, walang natatamasang tulong-pangkalusugan, at pinagkakaitan ng karapatan na dapat sana’y malaya nilang nakakamit.
Ngayong may bagong mukha ng diktadurya sa kaparehang apelyido, bagong mukha rin ng mga rebolusyunaryo ang kailangan para sa tuloy na pakikibaka para sa kalayaan, kasarinlan, at pagbabago.
Mga Sanggunian:
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2023/10/13/2303482/marcos-jr-admin-tinanggal-edsa-people-power-sa-2024-holidays
https://epa.culturalcenter.gov.ph/3/82/2314/
https://philippinepresshistory.wordpress.com/tag/eugenia-apostol/
Other stories
Break the chain– Peasant and Indigenous communities left reeling after #KristinePH
October is both the Peasant and Indigenous Peoples Month, but celebrations were interrupted as Severe Tropical Storm Kristine troubled the Indigenous lands and farming areas in the country...
Remembering Chad Booc - a teacher, an activist, a Filipino
Three years after his passing we remember Chad Booc–not just as a dedicated activist, a passionate teacher, and a selfless kababayan...