Ang lalawigan ng Ifugao ay napapalibutan ng mabundok na lupain, napapalibutan ito ng mga bundok at mga burol, kaya naman pagsasaka ng palay, mais at ibat’ibang klase ng gulay ang pangunahing kabuhayan ng mga Ifugao. Dahil dito, ang kanilang mayamang kultura at paniniwala ay umiikot sa pagsasaka, karugtong nito ang mga paniniwala sa mga diyos na tumutulong at gumagabay sa kanila sa kanilang mga ani at pananim. Isa sa mga tradisyon na patuloy pa rin na ginagawa ng mga Ifugao ay kanilang oral na tradisyong “Hudhud”, na siyang pinapangunanahan ng mga matatandang babae sa lugar, na isinasagawa tuwing panahon ng pag aani ng palay, ito rin ay nagkukwento tungkol sa iba’t ibang kinikilalang bayani, diyos, batas at mga relihiyosong paniniwala ng mga Ifugao.