TECHNOLOGICAL UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES - TAGUIG CAMPUS
Paano makapasok sa TUP-Taguig ?
Sa mga nais makapasok at makapag-aral sa TUP-Taguig, Ang TUP Taguig ay may entrance exam kung san sinusukat ang kakayahan ng aplikante kung ito ay karapat-dapat sa napiling kurso. Magpasa ng mga dokumentong kailangan (Tignan ito)
Ang pagtanggap ng aplikante ay sa pagsisimula ng taon ng paaralan (every School-Year) lamang.
Kailan magbubukas ang TUP-Taguig sa Admission ngayong School-Year?
Ang TUP Taguig ay tumatanggap na ngayon ng mga aplikante para sa SY 2024-2025, Ang pagpapasa ng mga dokumento ay On-Site sa office ng Registration and Admission sa TUP-Taguig mula Pebrero 5, 2024 - Mayo 24, 2024 nang 9:00 AM - 4:00 PM, o hanggang lahat ng kurso ay mapuno.
Maari bang magtransfer ang studyante sa TUP-Taguig?
Ang TUP Taguig ay may polisiya para sa mga aplikante na mayroong college background (up to 2nd Year College). Kung ang aplikante ay walang bagsak sa dating pinasukang eskwelahan (University/College) at nakapagtapos ng SHS, ito ay maaaring lumipat sa nasabing unibersidad. Kung hindi man, ito ay inaabisuhang humanap ng iba pang unibersidad o kolehiyong papasukan.
Maari lamang na magpakita ng patunay (Transcript of Records) na ikaw ay walang bagsak sa naturang eskwelahan na pinasukan. May tatlong kursong programa ang maaring pasukan:
May Tuition/ Miscellaneous Fees bang binabayaran sa TUP-Taguig at magkano?
Ang Tuition/Miscellaneous Fees sa TUP-Taguig ay subsidies ng gobyerno thru RA 10931, o kilala bilang "Universal Access to Quality Tertiary Education Act" ay isang batas na nagtataguyod ng unibersal na pag-access sa de-kalidad na edukasyong tersiyaryo sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng matrikula at iba pang bayad sa paaralan sa mga Unibersidad at Kolehiyo ng Estado, Lokal na Unibersidad at Kolehiyo, at mga Institusyong Teknikal-Vokasyonal na Pinatatakbo ng Estado, pagtatatag ng Tertiary Education Subsidy at Student Loan Program, pagpapalakas ng Unified Student Financial Assistance System para sa Tertiary Education, at paglalaan ng pondo samakatuwid,” gaya ng nakasaad sa pamagat ng Batas.