Post date: Jan 22, 2015 9:07:52 AM
Ang atin pong 2nd collection ay para sa patuloy na pagpapagawa ng ating pamparokyang simbahan sa Rafaela 2.
Tayo po ay nasa 60% na ng pagpapatayo sa ating bagong simbahan, kayat kami po ay patuloy na kumakatok sa inyong mga puso upang suportahan ang ating bagong proyekto ang WALL OF FAITH.
Ang bawat metro kwadrado ng ginagawang simbahan ay maaring sponsoran sa halagang 10,000.00 Ito po ay maaring hulugan sa halagang makakaya ninyo. Maari din po itong pag hati-hatian ng maraming tao, ng isang samahan o grupo. Ang bawat sponsorship ay magkakaroon ng pangalan sa pader ng simbahan bilang patunay ng kanilang pagtulong. Sila din po ay bibigyan din ng certificate of generosity.
Mangyari po lamang na makipag ugnayan sa opisina ng ating parokya para sa karagdagang detalye.
May mga PASSBOOK pa po tayong available sa opisina, at kung may mga gamit po kayo na maaarí pa namang gamitin tulad ng damit, aklat at iba pa ay dalhin lamang po niñillo ito sa opisina ng ating parokya.
March 2, 2013
Magkakaroon po tayo ng Pilgrimage o Lakbay Dasal sa ika 2 ng Marso 2013. Dahil mahal na Araw na po ay maari po natin itong tawaging "Visita Iglesia" Bibisitahin po natin ang siyam sa mga magagandang simbahan sa lalawigan ng Batangas, ang halaga po ng ticket ay 1,000.00 at may kasama na po itong tshirt.
March 4, 2013
Bilang paghahanda sa darating na mahal na araw, tayo po ay magkakaroon ng Kumpisalang Bayan sa ika 4 ng Marso 2013, araw ng Lunes sa ganap na ika 7:00 ng gabi - sabay po itong gagawin sa Ampid at sa Rafaela.
March 9, 2013
Muli po tayong magkakaroon ng Medical Mission o Patnubay sa Kalusugan dito po sa ating parokya sa ika 9 ng Marso, 2013 araw ng Sabado mula ika 5:00 hanggang 10:00 ng umaga. paki tingnan na lang po ang ibang detalye sa tarpauline sa labas ng simbahan.
March 14 to 17
Ang imahe ng Black nazarene ng Quiapo ay bibisita po dito sa ating parokya sa ika 14 hanggang ika 17 ng Marso, 2013. Ang imahe po ay ating patutuluyin sa ating simbahan sa Rafaela2.
MUNTING LAKAN AT LAKAMBINI
Sa pagdiriwang po ng ating kapistahan sa ika 1 ng Mayo, 2013 ay magkakaroon tayo ng "Search for Munting Lakan at Lakambining Parokya 2013. Suportahan po natin ang ating mga kandidato.
Malapit na tayong maglagay ng bubong sa ating simbahan sa Rafaela2, kayat suportahan natin ang RAISE THE ROOF PROJET. Makipag ugnayan lamang pos kayo sa opisina n gating parokya
Suportahan din po naitn ang mga candidata ng GINANG NG PAROKYA. Ang kanilang malilikom ay para rin sa pagawain ng ating simbahan.
Ang mga nais pong mag donate ng konting halaga para sa bulaklak ng ating altar ay dalhin lamang po ninyo ito sa opisina ng ating parokya at HINDI sa mga taong walang pahintulot ng parokya para mangolekta.
Sa ika 27 ng Oktubre, Sabado 6 PM sa San Jose de Ampid - Rafaela 2 ay magkakaroon ng Banal na Misa para sa ika 24 NA TAON NA PAGKAPARI ng ating Kura Paroko, kasunod po nito ay isang “Sacrificial Dinner” at “CONCERT FOR A CAUSE” na tatampukan ng SJdAP Music Ministry at ng ating SPECIAL guest performers ang MABUHAY SINGERS! Musikang pinoy ang ating matutunghayan dito. Ang ticket po ay mabibili sa opisina ng prokya. Ang malilikom dito ay para rin sa patuloy na pagpapatayo ng ating simbahan.
May isa pa tayong proyekto, ang BENTE KO, TULONG KO SA SIMBAHAN KO, sa halang bente pesos – magaan sa bulsa, malaking tulong sa parokya.
May pinagbibili po tayong t-shirts, mass cards at iba pang religious items – matatagpuan po ninyo ang display sa sa gawing likuran
- MGA PAANYAYA -
Ang samahn po ng KNIGHTS OF THE ALTAR ay patuloy pa din pong tumatanggap ng mga ibig maglingkod sa Banal na Misa. Ang seminar po ay ginaganap tuwing ika 10 ng umaga, araw ng Linggo dit sa ating Parokya. Makipag ugnayan lang po sa opisina sa iba pang katanungan.
The Carmelite Missionaries are inviting young ladies - College Level and Young Professionals for a - LIFE DIRECTION SEMINAR or SEARCH-IN. On October 14, November 11 and December 9 from 7:30 AM to 4:00 PM at 154 Kaliraya St. Bgy Tatalon Quezon City. For more information, please read the Carmelite Missionaries poster on the bulleting board.
Inaanyayahan po ang mga kababaihan na maging miyembro ng GREETERS o USHERS MINISTRY maari po kayong dumalo sa seminar na gaganapin sa Rafaela 2 ( 3rd floor ) sa Ika 6 ng Oktubre, 2012 mula 7:00AM hanggang 5:00 PM
Ang ating parokya ay magtatatag ng Catholic Women's League o CWL. Ito po ay samahan ng mga kababaihang edad 21 pataas para sa Senior CWL at edad 20 pababa para sa junior CWL. Sa mga nais pong sumapi, mangyari lang po na magpatala sa opisina ng ating parokya o sa inyong MPCs (Mini Pastoral Council)
Ang ikatlong palapag ng ating Formation Center sa Rafaela2 ay nagagamit na sa mga seminars, reception sa kasal, binyag at iba pang okasyon. Kung nais po ninyong malaman ang ukol dito ay dumulog lamang po kayo sa opisina ng ating parokya.