Base sa nilalaman ng istorya ito ay may mga nilalamang hindi maaari sa mga bata na mambabasa ng istorya sapagkat ito ay masyadong maselan at sensitibo para sa mga bata. Isa sa mga nilalaman ng istorya ay ang pangungutya at pakikipag basag ulo, ito ay masyadong sensitibo at maselan lalo na sa mga taong may hindi pa masyadong mataas na emosyonal na kapasidad. Isa pa, base sa istorya ang nilalaman nito ay nagpapakita ng matinding pag titimpi sa sarili at sa kapwa na nag papakita ng isang magandang halimbawa para sa mga mambabasa. Ang istorya din ay nagpapakita ng katotohanan ng mapanghusgang lipunan, na kahit maliit na galaw mo ay maaari kang mahusgahan ng ibang tao
MORAL NA ARAL:
Ang moral na aral sa istoryang ito ay huwag maging masyadong mapang husga sa kapwa dahil lagi natin tatandaan na tayo ay ginawa nang Diyos na pantay- pantay, mayaman o mahirap, kakaiba man ang kulay ng balat mo sa nakararami, hindi iyan dahilan upang makaranas ng diskriminasyon at masasakit na salita mula sa iba