Impeng negro
by Rogelio Sikat
by Rogelio Sikat
Ang Impeng Negro ay isang maikiling kwento na isinulat ni Rogelio Sikat. Nagsimula ang kwento sa pagpapaalala ng nanay ni Impeng na huwag na siyang makipag basag ulo. Si Impeng ay isang binatang palaging kinukutya sa kanilang lugar nila dahil sa kulay ng kanyang balat, siya lamang ang may naiibang kulay ng balat sa kanilang mag kakapatid, hindi lang ito, siya rin ay kinukutya dahil sa itsura ng kanyang mukha, ilong, at buhok. Si Ogor ang isa sa mga nangungunang mangutya kay Impeng, silang dalawa ay parehas nag tatrabaho bilang taga buhat ng tubig mula sa poso. Si Ogor ay sadyang mapangutya sapagkat kahit sa pag tatrabaho nila ay kinukutya niya si Impeng sa pamamagitan ng pag una kay Impeng sumahod ng tubig. Isa rin sa mga kinaiinisan ni Impeng ay ang pangungutya nito sa kanyang nanay, para sa kanya ay ayos lamang na siya ang kinukutya ngunit hindi niya kayang palagpasin kung pati ang kanyang nanay o pamilya ay madadamay. Ang nanay niya ay napapadamay sa pangungutya ng mga ito sapagkat ito ay nagkameron ng anak sa iba-bang lalaki at habang dinadala nito ang kanyang bunsong kapatid ay nawala na lamang bigla ang asawa. Isang Tanghali habang nag ttrabaho si Impeng ay nagsimula na naman sa pangungutya si Ogor, hindi na nakatiis si Impeng at binugbog niya si Ogor, muntik na itong mapatay ni Impeng sa bugbog ngunit tumigil din si Impeng nang marinig na ito’y suko na.