Nag-aassist din ang isang Service Crew tuwing may fuel product delivery. Sa video na ito makikita kung ano ang mga dapat gawin, bago, habang, at pagkatapos isalang ang produkto sa loob ng UGT.
Pagkatapos tingnan ang video, huwag kalimutang basahin ang mga additional information na ito:
Siguraduhing tama ang delivery details sa documents:
Station Name
Address
Volume of products being delivered/ordered
Ang mga security seals ay may tamang marka ayon sa delivery documents at hindi ito tampered.
Antayin ang go signal galing sa lead receiving personnel bago sirain ang security seals; at itago ang lahat ng ito - at least 2 deliveries bago itapon.
Mayroon nakahandang fire extinguisher.
Siguraduhing hindi naka-activate ang emergency shut off valve ng delivery truck.
Dapat umabot sa tank gauge plate ang mga produkto sa bawat compartment ng truck.
I-guide ang truck driver sa tamang pag babagsakang UGT ang bawat produktong ide-deliver.
Tiyakin na tama ang ginagamit na water finding paste sa bawat produkto: dilaw (yellow) para sa Exceed Diesel at kayumanggi (brown) para sa Extreme 97, Extreme 95 at Extreme U.
Mag compute na ng variance at ilagay ito sa delivery documents at mapa-confirm sa truck driver bago umalis. Pwedeng mag coordinate sa Station Head kung paano i-compute ang delivery variance.
Counter sign o pirmahan ang lahat ng may erasures.
Product Receiving - Part 1
Product Receiving - Part 2
PAALALA!
Kapag natapos mo nang pag-aralan ang lahat ng training content dito sa STEP 3, maaari lamang bumalik sa WELCOME EMAIL na natanggap mo upang i-locate at sagutan ang TRAINING EXAM para sa Product Receiving Procedure