Chương trình PrimeTime 2024-25
Barnaamijka PrimeTime Ee 2024-25
2024-25 Programang PrimeTime
Ang Departamento ng Pinalawig na mga Pagkakataon sa Pag-aaral ng Pinag-Isang San Diego (SDUSD) ay nangangasiwa ng Pinahabang Programa sa Araw ng Primetime na iniaalok sa elementarya at panggitnang mga paaralan at nagsisilbi sa mga estudyante ng Universal Transitional Kindergarten (UTK) hanggang pangwalong grado. Ang Primetime ay libre sa lahat ng mga pamilyang nakikilahok at nagpapatakbo ng mga programang bago at/o pagkatapos ng klase bawat regular na araw ng eskwela. Para sa mga kasalukuyang listahan ng mga eskwelahang nagbibigay ng Primetime para sa mga programang bago at/o pagkatapos ng klase, mangyaring i- click dito.
Ang mga magulang at tagapag-alaga ay komportable sa kaalamang ang kanilang (mga) anak ay nakatatanggap ng suportang akademiko, masasayang aktibidad para sa pagpapayaman at nakikihalo-bilo sa mga kaibigan sa isang ligtas na pisikal at emosyonal na kapaligiran.
Ang pangkat ng Primetime ay isang pagtutulungan ng mga kawani ng Pinalawig na mga Pagkakataon sa Pag-aaral ng Pinag-Isang San Diego, mga Kasamahang organisasyon ng Primetime, at iba pang mga departamento at programa ng SDUSD.
KWALIPIKASYON NG ESTUDYANTE
Ang inyong (mga) anak ay dapat pumapasok sa regular na araw ng klase sa eskwelahang nais ninyong pasukan para sa Primetime. Lahat ng mga pamilyang may mga anak sa elementarya at panggitnang paaralan na interesadong lumahok sa Primetime sa akademikong taon ng 2024-2025 ay kailangang magpasa ng aplikasyon online. Kasama rito ang mga batang kasalukuyang kalahok sa Primetime at mga batang nasa waitlist.
PAMANTAYAN NG PRAYORIDAD SA CDE ELOP
Sa ilalim ng mga kinakailangan sa gawad ng CDE ELOP, ang mga estudyante nakatutugon sa kahit isa sa mga sumusunod na pamantayan ay mabibigyan ng prayoridad sa pagpaparehistro. Sa pagkakataong mapuno ang programa, ang pinakamaaga sa petsa at oras ang susundin.
Walang tahanan/foster youth (pinakamataas na prayoridad)
Multilinggwal (Mag-aaral ng Wikang Ingles)
Kwalipikado sa Libre or pinababang presyo ng pagkain base sa Local Control Funding Formula (LCFF) Income form.
PROSESO SA APLIKASYON ONLINE
Ang online na aplikasyon ay magbubukas simula Lunes, Marso 4, 2024, alas 8:00 nu PST (Pacific Standard Time). Kakailanganin ng email address at internet access upang makagawa ng account sa pagkompleto ng aplikasyon.
PAGSUSUMITE NG APLIKASYON AY HINDI GARANTIYA NG PAGLAHOK SA PRIMETIME
Inaasahang ang pangangailangan sa serbisyo ng Primetime ay lalagpas sa kapasidad ng programa sa lahat ng eskwelahan; samakatuwid, mahalagang ang aplikasyon ay makumpleto at maisumite sa loob ng paunang petsa ng aplikasyon. Ang mga kompletong aplikasyon na naisumite at pasok sa deadline sa paunang petsa ay susuriin sa panahon ng inisyal na pagpapatala. Ang mga bata ay tatanggapin base sa mga kinakailangan para sa gawad ng Departamento ng Edukasyon ng California (CDE) Programa ng Pinalawig na mga Pagkakataon (ELOP), hanggang sa mapuno ang programa sa bawat eskwelahan. Kapag ang Primetime ay puno na, ang mga batang hindi natanggap ay ilalagay muna sa waitlist, base sa pagkakasunod sa pagpapatala, at matatanggap kapag mayroon ng puwang.
PETSA NG PAUNANG APLIKASYON (Marso 4, 2024 - Abril 12, 2024)
Ang mga aplikasyon ay magbubukas online simula Lunes, Marso 4, alas 8:00 nu PST at kailangang makompleto at maisumite online ng Biyernes, Abril 12, alas 9:59 ng PST upang maisama sa inisyal na pagsusuri at proseso ng pagpapatala.
ABISO NG KATAYUAN SA APLIKASYON (Hunyo 14, 2024)
Ang mga magulang/tagapag-alaga na makakakompleto at sumite ng aplikasyon sa loob ng inisyal na petsa ng aplikasyon ay aabisuhan sa email tungkol sa katayuan ng kanilang aplikasyon sa Biyernes, Hunyo 14. Ang email ay magsasabi sa mga pamilya kung ang kanilang (mga) anak ay natanggap upang makasali, nailagay sa wait list, o hindi kwalipikado sa bago at/o pagkatapos ng klase na Programa ng Primetime.
MGA NATANGGAP NA ESTUDYANTE (Hulyo 19, 2024)
Kapag naabisuhan na ng pagkakatanggap, ang 2024-25 Forms ng Estudyante sa Paglahok sa PrimeTime ay kailangang kumpletuhin bago makapasok ang inyong anak sa programa. Ang 2024-25 Forms ng Estudyante sa Paglahok sa PrimeTime ay makukuha sa website ng Primetime at sa pamamagitan ng organisasyong nagbibigay ng serbisyo sa eskwelahan ng inyong anak. Ang mga Forms ay dapat maisumite ng Biyernes, Hulyo 19. Ang mga estudyanteng hindi kompleto ang 2024-25 Forms ng Estudyante sa Paglahok ay maaaring matanggal sa Primetime.
MGA APLIKASYONG NAISUMITE PAGKATAPOS NG ABRIL 12, 2024
Ang mga aplikasyon ay tinatanggap sa buong taon ng klase. Ang mga aplikasyong naisumite pagkatapos ng Abril 12, ay isasaalang-alang base sa prayoridad, kapag mayroon ng puwang.
KARAGDAGANG IMPORMASYON
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Primetime sa eskwelahan ng inyong anak, makipag-ugnayan sa Kasama ng Primetime na nagbibigay serbisyo. Pindutin dito para sa Impormasyon ng PrimeTime Partner. Para sa mga tanong tungkol sa pagpapatakbo ng programa, makipag-ugnayan sa isa sa aming mga Support Staff. Upang suriin ang Plano ng Pinalawig na mga Pagkakataon ng Pag-aaral, mangyaring i-click dito.