Pinag-isang Mga Paaralan ng Distrito ng San Diego Mga Pinalawig na Oportunidad sa Pag-aaral 2024 PrimeTime Programang Pangtag-Init

  

Ang Pinag-isang mga Paaralan ng Distrito ng San Diego (SDUSD) Departamento ng Mga Pinalawig na Oportunidad sa Pag-aaral ay nakikipagtulungan sa mga Katambal na Organisasyon ng PrimeTime para mag-alok ng Programang Pangtag-init ng PrimeTime sa elementarya, UTK-8, at middle level na eskwelahan na nag-aalok ng mga SDUSD Akademikong Programa sa Tag-init. Ang Programang Pangtag-init ng PrimeTime ay magbibigay ng isang nakakaengganyong kapaligiran kung saan ang mga estudyante ay maaaring palakasin ang kanilang mga kasanayan sa akademiko at makilahok sa mga nakatutuwang aktibidad sa pagpapayaman sa larangan ng Sining, Agham, Musika at Athletics, habang pinagbubuti ang mga kasanayan sa lipunan. Ang mga estudyante na makakalahok sa Programang Pangtag-init ng PrimeTime ay bibigyan ng libre at masustansyang pagkain.

 

UPANG MAKITA ANG LISTAHAN NG MGA PROGRAMA AT ISKEDYUL NG PROGRAMA PARA SA TAG-INIT NG PRIMETIME, MANGYARING MAG CLICK DITO

 

Mga Petsa ng Programang Pangtag-init ng PrimeTime:  Miyerkules, Hunyo 12 hanggang Biyernes, Hulyo 12, 2024 (Sarado ng Hunyo 19, Hulyo 4, at Hulyo 5)

 

Kwalipikasyon at Pagpapatala ng Estudyante:
Ang mga estudyante ng SDUSD na kinilala bilang Mga Pinalawig na Oportunidad sa Pag-aaral (ELOP) Prayoridad 1, sa akademikong taon ng 2023-24, UTK hanggang ikawalong grado, na pumapasok sa SDUSD Programang Pangtag-init ay kwalipikado na mag-aplay para sa PrimeTime Programang Pangtag-init. Ang mga aplikasyon ay tatanggapin para sa paglahok batay sa sistema ng pagmamarka na nakalarawan sa ibaba, kung saan ang mga walang tirahan / foster / migrante na mga estudyante ang tumatanggap ng pinakamataas na konsiderasyon sa prayoridad. Kung ang mga aplikasyon ay lumampas sa kapasidad, ang mga estudyante ay maaaring ilagay sa isang waitlist hanggang sa magkaroon ng espasyo. Ang mga estudyante ay dapat dumalo sa SDUSD Akademikong Programa sa Tag-Init upang maging kwalipikado na lumahok sa PrimeTime Programang Pangtag-init.

 

Timeline ng Paunang Aplikasyon (Lunes, Enero 29 hanggang Biyernes, Marso 15, 2024):

Ang aplikasyon ay maaaring gawin sa pamamagitan ng link sa email na ipinadala sa linggo ng Enero 22, 2024, sa lahat ng mga kwalipikadong estudyante ng ELOP Prayoridad 1. Ang aplikasyon ay magbubukas simula sa Lunes, Enero 29 alas 8:00 n.u. (Pacific Standard Time) at kailangang makumpleto at maisumite online ng Biyernes, Marso 15 alas 11:59 n.g. (Pacific Standard Time) upang maisama sa paunang proseso ng pagpapatala. Kung mayroong espasyo na magbubukas, ang mga aplikasyon ay patuloy na tatanggapin pagkatapos ng petsang ito gamit ang parehong proseso sa ibaba na may mga binagong petsa.

 

Sistema ng Pagmamarka sa Aplikasyon:
Ang mga kompletong aplikasyon na naisumite bago ang huling araw ng paunang aplikasyon ay rerepasuhin  para sa panahon ng paunang pagpapatala. Ang mga estudyanteng nabibilang sa ELOP Prayoridad 1 ay tatanggapin upang makapasok base sa markang nakalarawan sa ibaba, hanggang sa kapasidad ng mga programa ng bawat eskwelahan. Kapag naabot na ng PrimeTime ang kapasidad nito, ang mga estudyante na hindi natanggap upang makasali sa ay ilalagay sa waitlist, sa parehong numero sa prayoridad, at maaaring matanggap kapag mayroon ng puwang na bukas. Bawat aplikasyon ay ay uunahin gamit ang sumusunod na sistema ng pagmamarka:

Pamilyang may iisang magulang O mga pamilyang may isang magulang/
tagapag-alaga na kasalukuyang naka-deploy sa military (isang kopya ng
mga utos ay kakailanganin kapag hiningi). 1 Punto

Lahat ng mga magulang / tagapag-alaga na nakatira kasama ang estudyante
at pumapasok ng buong araw (40 oras kada linggo) at/o full time na estudyante
(pumapasok ng hindi bababa sa 12 na mga yunit). 1 Punto


Estudyanteng inerekomenda para sa akademikong tulong ng Distrito, batay sa
Mga Pamantayang Nakabatay sa Report Card para sa elementarya at mga
marka ng kurso para sa middle school at/o Mag-aaral ng Wikang Ingles. 1 Punto


Estudyanteng nakikibahagi sa Pinag-isang Mga Paaralan ng San Diego Programa

 para sa Libre / Pinababang Presyo ng Pagkain, batay sa datos galing sa Distrito. 1 Punto


Posibleng Kabuuang Puntos 4 Puntos


Ang lahat ng mga kwalipikadong  walang tirahan / foster / migranteng estudyante ay makatatanggap ng pinakamataas na prayoridad para sa pagpapatala.

Abiso ng Katayuan ng Aplikasyon para sa  Magulang/Tagapag-alaga (hanggang Biyernes, Abril 5, 2024):

Aabisuhan ang mga estudyante sa pamamagitan ng email ukol sa katayuan ng kanilang mga aplikasyon sa Biyernes, Abril 5.  Ipapaalam sa email sa mga pamilya kung natanggap na ang (mga) estudyante nila na makilahok, ilagay sa waitlist, o hindi kwalipikado. 

 

Timeline at Proseso ng Pagpaparehistro ng mga Estudyanteng Natanggap (bago sumapit ang Biyernes, Abril 26, 2024):

Kapag natanggap na ng magulang/tagapag-alaga ang abiso ng pagkakatanggap, kailangan nilang i-print at kumpletuhin ang 2024 PrimeTime Programa sa Tag-init Student Participation Forms. Ang mga nakumpletong form ay kailangang isumite sa elektronikong paraan sa pamamagitan ng email bago ang Biyernes, Abril 26, upang lumahok sa PrimeTime Programa sa Tag-init simula Miyerkules, Hunyo 12. Mangyaring isumite ang Student Participation Forms sa  Mga Katambal na Organisasyon ng PrimeTime na nagbibigay ng PrimeTime Programa sa Tag-init sa eskwelahang balak pasukan ng inyong estudyante ngayong tag-init.

 

PATAKARAN SA PAGDALO
Alinsunod sa California Education Code Section 8483(a) (1) na nagbibigay ng pondo para sa PrimeTime, hinihikayat ang mga estudyante na makibahagi sa programa araw-araw.  

KARAGDAGANG IMPORMASYON
Para sa karagdagang impormasyon hinggil sa PrimeTime sa eskwelahan ng inyong estudyante, makipag-ugnayan sa Katambal ng PrimeTime na nagbibigay ng mga serbisyo. Mag-click dito para sa Impormasyon sa Kontak ng Katambal ng PrimeTime. Para sa mga katanungan tungkol sa pangangasiwa ng programa, mangyaring makipag-ugnayan sa isa sa aming Kawaning Tagasuporta sa SDUSD.