UPANG matiyak na nasa maayos ang kalusugan ng mga estudyante ay muling isasagawa ang programang ‘OK sa DepEd’ o Oplan Kalusugan sa Department of Education.
Hinihimok ng DepEd ang lahat ng pampublikong paaralan sa elementarya at sekondarya na lumahok sa health activities sa idaraos na “One Health Week” simula Hulyo 22 hanggang 26.
Nakapaloob sa ‘OK sa DepEd’ ang pagsasagawa ng School-Based Feeding Program, National Drug Education Program, Adolescent Reproductive Health Program, Water and Sanitation, and Hygiene Facilities in Schools Program; Medical, Nursing, and Dental Services; at School Mental Health Program
Inatasan ni Education Secretary Leonor Briones ang mga guro, lahat ng regional offices, school division offices na isama sa aktibidad ang pagbibigay ng orientation sa mga magulang, komunidad, school partners, at stakeholders upang mas lalo nilang maunawaan ang nasabing programa.
Taong 2017 nang simulan ng DepEd ang naturang school based program at umaasa si Briones na mas magiging aktibo ang mga guro sa pagpapalawak nito.