Riann F. Campo January 20, 2022
2BTLE HE-A Prof. Lucila Escleto
SIKOLOHIYANG PILIPINO: PERSPEKTIBO AT DIREKSYON ILANG BATAYAN PARA SA SIKOLOHIYANG PILIPINO
1. Kahulugan ng Sikolohiyang Pilipino.
∙ Ito ay pag-aaral sa sikolohiya na tinitingnan sa konstekto ng kultura, karanasan at pag-iisip ng mga Pilipino. Kaya nga ito ay tinatawag na sikolohiyang Pilipino dahil ito ay nag lalayong sisirin at bigyang tingkad ang identidad ng mga Pilipino. Hinihimay nito ang kaugalian at pag iisp ng mga Pilipino. Kabilang na nga dito ang paghihiwalay at pagtukoy ng mga kulturang sariling atin at ang mga impluwensya ng ibang lahi na sa paglipas ng panahon ay ating naring lubusang tinanggap at niyakap.
2. Bigyan ng magkahiwalay na paglalagom ang seleksyong binasa.
Sikolohiyang Pilipino: Perspektibo at Deriksyon
VIRGILIO G ENRIQUEZ
Ang sikolohiya ay tungkol sa kamalayan na tumutukoy sa damdami’t kaalamang nararanasan, pakiramdam sa paligid, kaalaman at pag kaunawa, sa diwa na tumutukoy sa ugali, kilos o asal, sa kalooban na tumutukoy din sa damdamin at sa kaluluwa na syang daan upang mapag-aralan din ang tungkol sa budhi ng tao. Kung kaya’t malawak ang nasasakop ng sikolohiyang batay sa mga konseptong malilinang sa wikang Pilipino. Ang mga anyo sa sikolohiya sa kontekstong Pilipino ay maaraing mahati sa tatlo. Ang una o ang kabuoang anyo nito ay ang sikolohiya sa Pilipinas mismo, makikita ang kabuoang anyo nito sa kasaysyan at hindi lamang sa sikolohiya bilang disiplina kundi sa sikolohiyang nakikita sa tao na rin. Ang ikalawa, o ang palasak na anyo ng sikolohiya sa konstektong Pilipino ay maituturing na sikilohiya ng mga Pilipino. Ito ay karaniwang makikita sa lathalain na lumalabas ng kung ilang ulit sa imprenta at siyang karaniwang sinisipi ng mga manunulat, kapunapuna na ang nagging pangunahing interes sa Sikolohiya ng Pilipino ay yaong mga inaakalang katangian ng mga Pilipino at ng mga etnikong grupo sa Pilipinas. Maraming konsepto ang maiuugnay sa Sikolohiya ng Pilipino, katulad ng konsepto ng pagkatao mismo ng Pilipino. Ang ikatlo at panghuling anyo naman ng sikolohiya sa konstektong Pilipino ay ang nilalayong anyo ng sikolohiyang sa konstektong Pilipino ay ang Sikolohiyang Pilipino na pansamantalang bibigyan ng pakahulugan bilang sikolohiyang bunga ng karanasan, kaisipan at oryentasyong Pilipino. At upang umunlad ang sikolohiyang Pilipino, hindi ito dapat kumikiling sa pagka-partikular o kaya ay sa pagka-unibersal, dapat ay pahalagahan nito kung ano ang pagka unbersal at sa kung ano ang particular. Ang sikolohiyang Pilipino rin ay may mga konsepto at ayon sa pagsusuri ng wika, kultura, at literatura ng sikolohiya sa Pilipinas napagalaaman na may roong konseptong katutubo at mayroon ring konseptong inaangkin o hiram. Ang mga
katutubong konsepto ay maraming halimbawa sa literatura na halos hindi pa nasasaliksik o napag-aaralan o kaya naman ay hindi man lang nababanggit, sapagkat ang pangkaraniwang gamit sa pag-aaral ay ang wikang Ingles.
ILANG BATAYAN PARA SA ISANG SIKOLOHIYANG PILIPINO
ZEUS A. SALAZAR
Ang sikolohiyang Pilipino ay may ilang batayan upang mas maunawaan at matuklasan ang mga konseptong kanluranin. Ang tinatawag na sikolohiya bilang agham na Pilipino ay nagsasaad na hindi maaring maging particular ang agham sa isang bayan, lugar o panahon maliban na lamang sa ilang pangmatematikal o pang-istatistika. Ang korpus mismo ng sikolohiya bilang agham na pinaunlad kung hindi man lumitaw sa kanluran, ay wala talagang katiyakan kapag hindi ibinabagay sa kalagayang sosyo historikal na Pilipino. Hangga’t ang layunin ng sikolohiya ay ang maunawaan ang tao bilang diwa at kaluluwa, bilang kabuuang ispiritwal ay mananatiling ay mananatiing agham pantao ang siyensang ito at, samakatuwid, partikular sa mga grupo ng taong may kakanyahang itinatanggi, katulad ng Pilipino. Maisasagawa naman ang alinmang pagpapasa-Pilipino ng sikolohiya at ng alin mang agham panlipunan sa loob ng tatlong larangan at ang mga ito ay sa teorya-metodolohiya, sa nilalaman mismo at sa praksis at paggamit ng agham. Ito ay nakasalalay sa diwa ng adaptasyon at orihinalidad ng Pilipino bilang indibidwal at bayan. Ang teyoryang sikoanalisis ay naipakikita ang iba’t ibang interpretasyon ng isang salita depende sa wika at kulturang pinanggalingan nito. Upang maunawaan nang lubos ang teoryang ito ni Freud ay dapat munang maunawaan ang sariling kultura at nang hindi parang inaangkat na lamang ang buong parapernalya ng sikoanalisis. Napakahalaga ng pagsasalin sa mga natuklasang sikolohikal sa larangan ng teorya at metododlohiya. Ibig sabihin nito na karamihang sa mga sikolohista sa salinlahing ito ay dapat magkaroon ng mataas na uri at malawak na pananaw, sapagkat nakasalalay sa kanila ang pagpupunla ng sikolohiyang pilipno bilang agham. Sabay na mauunawaan ang raling pagkatao at ang kakayahan ng bansa habang pinlalago ang sikolohiya sa diwa at pagpupunyaging Pilipino. Ito ay isang interaksyong magiging palabinhian ng isang mapanlikhang pag-babago ng sikolohiya mismo bilang agham na Pilipino. Lubos na makaaambag ang sikolohiyang Pilipino sa larangan ng pinakapreopresyon ng lipunan at kulturang Pilipino. Subalit ito’y hindi magaganap hangga’t ang tardisyon ng sikolohiyang Pilipino ay hindi pa nabubuo. Matatantya ang anyo at lawak n amabag nito sa bilis at tindi ng pagkabuo, ngunit ang amabag naiyan ay magiging resulta lamang ng pagpupunyagi ng Pilipino. Makaambag tayo sa sikolohiya, sapagkat naging bahagi na ng ating kultura o di kaya naganap na ang sintesis ng ating kulturang sikolohikal at sikolohiya bilang agham. Mayroong tatlong larangan ang maaaring mapagamabagan ng sikolohiyang Pilipino. Ang una ay teorya ng pagkakaugnay ng pagkatao at kultura, sapagkat ito ang pinakabatayan ng awtonomiya ng sikolohiyang Pilipino. Ang ikalawang larangan ay para bagang katabi at kaugnay ng una. Hindi maisasapilipino ang sikolohiya kung ito ay mananatiling pag-aari ng mga elitista. Hindi lamang kailangang maging interest ito ng lahat, kundi kailangan pa ngang maiukol sa lahat at maging isang agaham para sa lahat. Ang ikatlong larangan ay di gaanong tiyak subalit mas paratikular. Ang paksa ay halos nag-aanyayang matalakay, spagkat bahagi ng nakaraang kultura. Ang sikolohiya ay magiging isang agham-pilipino hindi lamang dahil sa isa sa kanyang mga importanteng paksa ay ang “sikolohiyang Pilipino” bilang batayan ng praxis. Magiging Pilipino rin ang sikolohiya kung
makukuhang angkinin ng isang mapanlikhang diwa ang kabuuan ng agham na ito, mula sa kanyang mga teorya at metodolohiya hanggang praxis. Ang pagangkin ay hindi lamang pag-aangkop ng agham sa kapilipinuhan kundi pagiging orihinal at mapaunlad matapos maangkin ang dapat at maaaring maangkin. Higit sa lahat, ang pag aangkin ay Gawain ng isang kulturang may-kakanyahan at kasarinlan. Kaya ang pagiging Pilipino ng sikolohiya ay bahagi ng pagiging malaya ng kulturang Pilipino.