FILIPINOLOHIYA
Riann F. Campo October 13, 2021
2BTLE HE A Prof. Lucila Escleto
Filipinolohiya sa Iba’t ibang Espesysalisasyon/Komunikasyon sa Akademikong Filipino
Ano ang Filipinolohiya?
Ang Filipinolohiya o maari ring matawag na Araling Pilipino ay binubuo ng dalawang salita na “Filipino at lohiya” na kung saan ay tumutukoy sa maka-agham na pag-aaral at pananaliksik patungkol sa pinagmulan ng pang Filipinong kaisipan, wika, kultura, at lipunan. Ito ay isang disiplina sa karunungang Filipino na nagsasalba sa ngayo’y nanganganib na mayamang kulutura ng mga Filipino dulot ng moderong panahon.
Sino ang Ama ng Filipinolohiya? Bakit sya hinirang na Ama ng Filipinolohiya?
Maraming iskolar at mananaliksik ang nag nagpakadalubhasa upang makapag-ambag ng pag-aaral patungkul sa ating kasaysayan. Kabilang dito sina Zeus Salazar na kinikilala bilang “Ama ng makabagong kasaysayan” at Virgilio Enriquez na kinikilala namang “Ama ng sikolohiyang Filipino”. Kasama ang dalwang nabanggit sa pagsusulong ng pilosopiyang Filipino ay ang tinaguriang “Ama ng Filipinohiya” na si Dr. Prospero Covar. Isinilang siya sa Majayjay, Laguna noong ika-7 ng Setyembre taong 1934. Nagtapos ito ng A.B Sociology at M.A Sociology sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) at Ph.D. Anthropology sa Unibersidad ng Arizona sa Tucson. Nakapaglimbag sya ng maraming akda na makapagsusulong sa Pilosopiyang Filipino.
Bakit mahalga ang Filipinolohiya?
Isa ang ating bansa sa may mayamang kultura at kalikasan kaya’t maraming natagtangkang manlupig noong sinaunang panahon kung kaya’t napakahalga ng Filipinolohiya sapagkat lubos itong makatutulong sa atin upang maunawaan at malaman ang kasaysayan ng ating bansa. Ang Filipinolohiya ay s’yang nagsisilbing gabay sa bawat mag-aaral patungkul sa pagtuklas sa pinagmulan ng ating sariling wika at panitikan. Ang sestimatikong pag-aaral sa Filipino gamit ang ating sariling wika ay lubos na makapagpapyabong sa atingV kultura. Sa ganitong paraan, mas mabibigyang halaga natin ang sariling atin sa kabila ng iba’t ibang paraan ng pagpapalaganap ng ibang kultura ng mga dayuhan.