UNANG KASO NG MPOX SA BANSA, ITINALA NG DOH
AUGUST 21, 2024Zhuzane Magnifico
Zhuzane Magnifico
MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang unang kaso ng Monkeypox o MPOX sa Pilipinas ngayong Lunes, Agosto 19, matapos ideklara ng World Health Organization (WHO) ang sakit bilang ‘global health emergency’ noong Agosto, 14, 2024.
“The case is a 33 male Filipino national with no travel history outside the Philippines but with close–intimate contact three weeks before symptom onset,” paliwanag ng kasalukuyang Health Secretary, Teodoro Herbosa.
Ayon sa WHO, ang MPOX virus ay sakit na nagmula sa unggoy at viral zoonotic infection na maaaring maipasa ng hayop sa tao.
Ilan sa mga sintomas na mayroon ang mga nakaranas ng sakit ay pagkakaroon ng rashes, lagnat, pananakit ng lalamunan, pananakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, pananakit ng likod, mababang enerhiya, at pamamaga ng lymph.
Iniulat din ng WHO na umakyat na sa 10 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng MPOX sa mundo na siyang ikinabahala ng maraming eksperto.
Gayunpaman, sinabi ni Herbosa na wala pang naitalang pumanaw mula sa sakit na ito.
“We’re isolated, cared for, and since recovered,” diin pa ni Herbosa sa isang press conference para sa mga nagdududa sa kanilang pangangalaga sa nagpositibo sa sakit.
Dagdag pa niya, kapag nilalagnat ang mga nagpositibo sa MPOX ay binibigyan sila ng paracetamol. Kung may makati sa kanilang katawan, anti-kati ang binibigay sa kanila bilang lunas sa mga lesions nila.