SCITECH | HKU5-CoV-2: Bagong Diskubreng Baryant ng Coronavirus ayon sa mga Eksperto
March 03, 2025Stephen Ray Pastrana
Stephen Ray Pastrana
Natuklasan ng mga siyentipiko sa Tsina ang bagong virus na tinatawag na HKU5-CoV-2, isang baryant na gumagamit din ng cell-surface protein upang makapasok sa mga selyula ng tao—katulad ng sa SARS-CoV-2 noong 2019.
Sa ulat ng mga mananaliksik sa Tsina, sa kabila ng pagkakaroon ng furin cleavage sites, ang kasalukuyang baryant ay wala pang kakayahang makapasok sa mga selyula ng tao.
Ang furin cleavage sites ay nakatutulong sa paglusot ng virus sa mga organismo sa pamamagitan ng ACE2 receptor protein sa ibabaw na bahagi ng selyula ng organismo.
Sa mga nakaraang eksperimento sa pamamagitan ng test tube at sa modelo ng bituka at airways ng tao, naimpeksyunan ng HKU5-CoV-2 ang mga selyula ng tao na umaabot sa taas na ACE2 levels.
"This study reveals a distinct lineage of HKU5-CoVs in bats that efficiently use human ACE2 and underscores their potential zoonotic risk," ayon sa inilabas na pag-aaral ng mga eksperto Scientific Journal Cell noong Pebrero 18.
(Ang pag-aaral na ito ay nagpapakita ng isang natatanging uri ng HKU5-CoVs sa mga paniki na epektibong gumagamit ng human ACE2 at pinapakita ang kanilang potensyal na zoonotic risk.)
Ngunit sa iba pang pag-aaral, nadiskubre rin ng mga eksperto na ang monoclonal antibodies at antiviral drugs ay maaaring sumugpo sa kasalukuyang bat virus.
Sa tala ng Bloomberg, ang bagong bat virus ay may kabahagi ng gumagawa ng iba't ibang COVID vaccine. Tinatayang ang Pfizer, Moderna, at Novavax ay may bahagi sa broader market na 1.5%, 5.3%, at 1% –ayon sa pagkakasunod.
Binigyang kasiguraduhan naman ni Dr. Michael Osterholm, isang infectious disease expert sa University of Minnesota, ang mga tao sa ‘di inaasahang pangamba tungkol sa pangkalahatang kalusugan.
Sa kaniyang panayam, mayroong nang nabuong immunity ang populasyon laban sa mga nagsilabasang SARS viruses na nagpapababa ng posibilidad na magkaroon muli ng pandemyang katulad ng sa COVID-19.
Ang mga nagawang pag-aaral ay malinaw na nagsasaad na ang bagong baryante ng virus ay may mababang binding affinity sa ACE2 ng mga tao. Kaya naman, ang sobrang pagkabahala ng nakararami ay dapat nang tuldukan sa kadahilanang marami nang suboptimal factors ng human adaptation ang nangyari sa nakalipas na pandemyang naranasan.