Pansamantalang tigil-operasyon ng LRT-1, ikinabahala ng ilang Letranista
AUGUST 18, 2024Stephen Ray C. Pastrana
Stephen Ray C. Pastrana
MANILA, Philippines – Ikinabahala ng ilang guro at estudyante ng Colegio de San Juan de Letran ang ipinatupad na pansamantalang tigil-operasyon ngayong araw at sa mga susunod na Sabado at Linggo.
Ayon sa kanila, malaki ang magiging epekto nito sa mga komyuter ng LRT-1 lalo na’t ang Colegio de San Juan de Letran ay malapit sa Central Terminal Station na isa sa mga istasyon sa linya nito.
Sa isang pahayag, sinabi ni G. Isaiah Samson, isang guro mula sa Letran Senior High School (LSHS), hindi ito gaanong nakakaapekto sa kaniya ngunit may malaking epekto nito sa ibang pasahero na may sadya tuwing Sabado at Linggo.
“If impact personally, I don’t think na affected ako since I only use LRT during the weekday… Pero if for general public, malaking effect ‘yon given the fact that a lot of labor force are also working during the weekends and LRT usually ang ginagamit for efficiency ng biyahe,” ani ni G. Samson.
Sinang-ayunan naman ito ng ilang piling mag-aaral mula sa Letran Senior High School Department na madalas sumasakay sa LRT-1.
Sa pahayag ni Elyssa Cleofas mula sa ABM12B, hindi lahat ng komyuter ay may kakayahan makapag-adapt agad sa bagong sakayan na kanilang sasakyan tuwing Sabado at Linggo.
“I have other options for my mode of transportations. However, some people may not be as fortunate as I am. So the suspension of operation can be troublesome to employees and students who needs to be on their work or school on Saturday and/or Sunday,” saad niya.
Batay naman kay Jihu Laserna mula sa STEM12E, ang pansamantalang tigil-operasyon ay isang problema na maaaring maranasan ng ibang pasahero lalo na ang potensyal na epekto nito sa iba’t ibang Letranista na may mga ginagawa sa Letran tuwing Sabado.
“If it were to be implemented on weekdays, it would be a real struggle since the mode of transportation that I'm only familiar with is LRT. And if, in the event, we need to go to school on weekends and there's a suspension of LRT, it would affect me a lot and might give me a stress rush on what to ride in order to go to school,” ani Laserna.
Gayunpaman, ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Gaudiz, naghanda ang ahensya ng 38 na pampasaherong bus na maaaring sakyan ng mga apektadong komyuter.
"Meron na po kaming mga dinesignate na mga buses sa mga areas na hindi tatakbo ang LRT ng ilang araw para kami naman yung pupuno sa mga hindi magampanan ng LRT," ani Guadiz.
Sa pahayag ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na siyang namamahala sa LRT-1, layunin ng tigil-operasyon ng ahensya ang mapabilis ang tiyak at ligtas na takbo ng LRT-1 Extended Line na inaasahang matatapos sa ikaapat na sangkapat ng taon.