Pormat ng Sinopsis/Buod

Ang Sinopsis o Buod ay isang balangkas o mga pangunahing punto ng isang nobela, pelikula, dula, atbp. Ito ay nagbibigay ng ideya sa mambabasa kung ano ang tungkol sa kwento at ano ang nangyayari sa mga tauhan. Ito rin ay isang paraan ng pagpapakita ng pangunahing kaisipan o tema ng isang teksto. Karaniwang isinusulat ito sa isang talata at naglalaman ng mga pinaka-mahalagang detalye ng teksto. Ipinapakita sa ibaba kung ano ang pormat ng isang Sinopsis/Buod.

Sinopsis/Buod


Pamagat:

Awtor:



Simula:


Gitna:



Wakas:


Talababa:

Dela Cruz, Galvez, & Hermocilla, (2021). Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang.


Nasa ibaba naman ang isang halimbawa ng Buod, bagaman naiba ng kakaunti ang pormat ng halimbawa sa ibaba, nandoon paden ang mga parte na Simula, Gitna, at Wakas.

Halimbawa:

Ang Mahiwagang Libro

ni Juan dela Cruz

Sa isang maliit na baryo, may isang batang lalaki na nagngangalang Pedro. Isang araw, habang siya'y naglalaro sa tabi ng ilog, natagpuan niya ang isang lumang libro na may makintab at puring pabalat. Nang buksan ni Pedro ang libro, bigla siyang sumulpot sa isang kakaibang mundo.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sa mundo na kanyang nadiskubre, nalaman ni Pedro na ang libro ay may kakaibang kapangyarihan. Ito ay naglalaman ng mga kuwento at mahika na maaaring makapag bago ng realidad. Ngunit may malaking problema na kinakaharap ang bawat kuwento sa libro. Kailangan ni Pedro na matagpuan ang tamang sagot o solusyon upang malutas ang mga ito.

Ang kwento ay nagdaan sa iba't ibang mga tagpuan at nagpakilala ng iba't ibang tauhan. Sa bawat kuwento, may isang problema o hamon na kinakaharap na dapat malutas ni Pedro. Gamit ang kanyang talino at katapangan, siya ay naging tagapagtanggol, tagapagligtas, at tagapamahala sa bawat sitwasyon.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Matapos malampasan ang mga hamon sa bawat kuwento, natapos na ni Pedro ang mga kuwento sa libro. Sa bawat tagumpay na kanyang natamo, nagkaroon siya ng mga mahahalagang aral at kapangyarihan na maaring gamitin sa totoong buhay. Nagbalik si Pedro sa mundo ng mga tao at nagdala ng pagbabago at inspirasyon sa kanyang baryo.

Sa pamamagitan ng mahiwagang libro, natutunan ni Pedro ang halaga ng pagtitiyaga, katapangan, at katalinuhan. Ipinakita niya na ang pagharap sa mga hamon ng buhay ay maaaring malutas sa pamamagitan ng kaisipan at tapang. Sa huli, si Pedro ay nagpapatunay na ang mga kabanata ng buhay ay maaaring magdulot ng kamangha-mangha at kahanga-hangang mga kuwento na nagbubukas ng mga pintuan tungo sa tagumpay at pagbabago.

(Pamagat at Pangalan ng Awtor)

(Simula)

(Gitna)

(Wakas)

Ngayon na natapos nyo na basahin ang pormat at halimbawa ng isang Sinopsis o Buod, ngayon naman pag-uusapan natin kung ano nga ba ang dapat ilagay sa mga parte na nabanggit sa paggawa ng isang Sinopsis o Buod. Narito ang mga nakapaloob sa bawat parte ng Sinopsis o Buod


Pamagat: 

Ito ang pinakapangalan ng kwento na nagbibigay ng kaunting ideya sa mambabasa kung ano ang paksa o tema nito.


Awtor:

Ito ang pangalan ng sumulat ng kwento na nagpapakilala sa kaniyang estilo at pananaw sa pagsusulat.


Simula:

Ito ang bahagi kung saan ipinapakilala ang tagpuan o lugar at panahon kung saan naganap ang kwento. Dito rin maaaring ipakita ang suliranin o hamon na kinakaharap ng mga tauhan.


Gitna:

Ito ang bahagi kung saan ipinapakilala ang mga tauhan o karakter na gumaganap sa kwento. Dito rin inilalahad ang problema o konflikto na kailangang malutas ng mga tauhan. Dito rin nagaganap ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na nagpapakita ng paglalaban, pagtutulungan, pagbabago, at iba pang aksyon ng mga tauhan. Dito rin makikita ang kalutasan o solusyon na ginawa ng mga tauhan upang malampasan ang kanilang problema.


Wakas: 

Ito ang bahagi kung saan ipinapakita ang kinalabasan o resulta ng mga ginawa ng mga tauhan. Dito rin makikita ang konklusyon o aral na napulot ng mga tauhan at mambabasa mula sa kwento.


Repleksyon: 

Sa pamamagitan ng paggawa ng Sinopsis/Buod, mas napagbuti pa ng aming grupo ang aming kapasidad sa pagsusulat ng sinopsis/buod. Naniniwala ang aming grupo na dahil sa aktibidad na ito mas nahasa ang aming kakahayan sa paggawa ng isang sinopsis/buod, sapagkat kami ay nagsaliksik ng pormat ng isang sinopsis/buod.

Mga Bidyo Tungkol sa Pagsusulat ng Sinopsis o Buod: