Liham Aplikasyon
Ang liham aplikasyon ay isang pormal na dokumento na ipinapadala kasama ng resume o CV (curriculum vitae) sa iba’t ibang mga kumpanya, unibersidad o samahan. Ito ay naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa aplikante tulad ng kanyang mga kwalipikasyon, karanasan sa trabaho at iba pang mga kaalaman. Ginagamit ito upang magpakilala ang aplikante sa mga employer at magpakita ng kanyang kakayahan para sa posisyon na inaaplayan niya.
Ika - 10 ng Agosto 2033
Mrs. Juliet U. Cabamongan
Senior Manager, General Nursing Unit
Asian Hospital and Medical Center
2205 Civic Drive Filinvest City, Alabang, Muntinlupa City, Philippines
Para kay Gng. Cabamongan,
Ito ay bilang tugon sa inyong panawagan ng aplikasyon para sa mga Rehistradong Nurse. Nais ko po sanang mabigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho sa inyong sanggunian at makatulong sa mga pasyente bilang isang rehistradong nurse.
Ako ay limang taon ng nagtatrabaho bilang isang rehistradong nurse. Sa kasalukuyan, ako ay nagtatrabaho sa Perpetual Help Medical Center sa Biñan. Nakatanggap ako ng Daisy Award noong 2030 at Outstanding Professional of the Year Award ngayong 2033 dahil sa natatangi kong husay sa pagiging isang nurse at walang sawa na paglilingkod sa ating mga mamamayan. Lingid sa inyong kaalaman ay nakapagtapos ako sa kursong Bachelor of Science in Nursing sa University of Perpetual Help Dr. Jose G. Tamayo Medical University at nakapasa sa licensure exam sa pagiging rehistradong nurse.
Sa liham na ito ay taos puso ko pong inihayag ang interes at kagustuhan ko na maging isa sa inyong mga nurse.
Kalakip ng liham na ito ang aking resumé na maari ninyong maging batayan ng aking mga karanasan bilang isang nurse.
Maraming salamat.
Jhosh Marianne C. Austria
jhoshmariannecalubagaustria@gmail.com
09167057820
Ika - 1 ng Hunyo 2023
Mrs. Yinhie Anniu
Airport Commercial Management
Domestic Airport, Domestic Rd, Pasay, Metro Manila
Pagbati Gng. Anniu
Isang magandang araw po sa inyo Gng. Yinhie, ako po si Geprick A. Martinez ako po ay isang manggagawa na bihasa pagdating sa mga gawaing pang matataas na position. Ako po ay kasalukuyang nag-aaplay para sa posisyong private pilot sa inyong kompanya. Ang liham na ito ay naglalaman ng mga matitibay na inpormasyon na nagpapatunay na ako ay isang bihasang manggagawa, responsable at higit sa lahat mapagkakatiwalaan.
Ako po ay may natapos na kursong Bachelor of Science in Air Transportation. Sa paaralang PATTS College of Aeronautics. Ako ay naging isang guro sa aviation school sa PATTS taong 2015-2017.
Sana ay matulungan nyo po ako makamit ang pangarap na ito dahil ang trabaho na ito ay talagang aking pangarap simula pa ng bata ako at ako ay kasalukuyang naghahanap ng magandang trabaho na nababagay sa mga kaalaman ko. Sa aking opinion ang trabaho na ito ang aking hinahanap at nababagay sa mga kaalaman ko.
Inaasahan ko po ang inyong magiging desisyon sa akin. Sana po ay bigyan niyo po ako ng pagkakataon na makamit ang pangarap na ito. Ang inyong desisyon ay hindi masasayang at hindi ko po bibiguin ang tiwala na ibibigay niyo po sa akin. Maari niyo po akong maabot sa numerong 0985746123 o sa aking email address na geprickmartinez@gmial.com.
Maraming salamat po.
Lubos na gumagalang,
Geprick A. Martinez
Ika - 2 ng Hunyo 2030
Mrs. Nitnit Cabuyaban
Human Resources Manager
Bagong Ospital ng Maynila
719 Quirino Avenue, corner Roxas Blvd, Malate, Manila, 1004 Metro Manila
Pagbati Gng. Cabuyaban,
Isang magandang araw po sa inyo, ako po si Aston Martin E. Morgado at kasalukuyang nag-aapply para sa posisyong Medical Technologist III sa Bagong Ospital ng Maynila. Sa pamamagitan ng liham na ito, nais ko pong iparating sa inyo ang aking interes at kahandaan na magtrabaho sa Ospital Ng Maynila.
Ako po ay mayroong karanasan na tatlong taon bilang isang Medical Technologist. Nakapagtapos ako ng kursong Medical Technology sa University of Perpetual Help System Laguna at nakapagtrabaho bilang Medical Technologist sa Ospital ng Biñan sa loob ng tatlong taon.
Sa kasalukuyan, ako po ay naghahanap ng mas magandang oportunidad upang maipakita ang aking kakayahan at makatulong sa pagpapalawig ng serbisyo ng Ospital Ng Maynila. Kung ako po ay bibigyan ng pagkakataon na magtrabaho sa Bagong Ospital ng Maynila, gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya upang magampanan ang aking tungkulin nang maayos at maging produktibong miyembro ng inyong koponan.
Inaasahan ko po ang pagkakataon na makapagbigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa aking kwalipikasyon at karanasan. Maaari niyo po akong maabot sa numerong 09995963773 o sa email address na astobmorgado@gmail.com.
Maraming salamat po.
Lubos na gumagalang,
Aston Martin E. Morgado
astobmorgado@gmail.com
0995963773
Ika- 5 Hunyo 2023
Pagbati!
Ako po ay sumusulat ng liham na ito upang mag-aplay bilang isang piloto sa inyong organisasyon. Ako po ay may malalim na pagnanais na maging bahagi ng inyong koponan at magamit ang aking kasanayan at karanasan sa larangan ng pagpapalipad ng eroplano.
Ako po ay may mataas na antas ng propesyonalismo at dedikasyon sa aking gawain bilang isang piloto. Ako po ay nagtapos ng aking kurso sa Aeronautical Engineering at nagkaroon ng malawak na karanasan sa paglipad. Sa aking mga nakaraang trabaho, ako po ay naging bahagi ng mga pribadong kompanya at naglingkod sa iba't ibang mga ruta sa iba't ibang mga uri ng eroplano. Nakapagpalipad na rin po ako ng mga eroplano ng iba't ibang mga laki, kabilang ang mga maliit na eroplano patungo sa mga jet na eroplano.
Ako po ay may lisensiyang piloto at sertipikasyon na kinakailangan para sa mga paliparan sa iba't ibang mga kategorya, kabilang ang mga pangkalakal na eroplano. Ako po ay may malasakit sa kaligtasan ng mga pasahero at kumukuha ng mga hakbang upang mapanatili ang isang ligtas na kapaligiran sa bawat paglalakbay.
Bilang isang piloto, ako po ay may kakayahan na magamit ang mga instrumento sa paglipad, mag-analisa ng meteorolohiya at mga sistema ng trapiko, at magpatupad ng mga prosedur sa paglipad. Ako po ay may mahusay na abilidad sa pagdedesisyon sa mga sitwasyong nangangailangan ng mabilis at tamang pagtugon. Ako po ay may kakayahang magtrabaho ng maayos sa ilalim ng presyon at kumilos nang mabilis at epektibo sa mga kritikal na sitwasyon.
Lubos po akong interesado na maging bahagi ng inyong koponan at magamit ang aking kasanayan bilang isang piloto. Nais ko pong makapaghatid ng mataas na kalidad na serbisyo sa inyong organisasyon at magamit ang aking karanasan upang makamit ang mga layunin nito. Ako po ay handang sumailalim sa anumang proseso ng pagseleksyon at magpatuloy sa anumang pagsasanay na kinakailangan upang maging epektibong miyembro ng inyong koponan.
Inaasahan ko po ang pagkakataon na makapagpulong at talakayin ang aking aplikasyon. Nais ko pong maipakita ang aking kahusayan at determinasyon bilang isang piloto. Maaari ninyo akong maabot sa aking impormasyong nakasaad sa ibaba.
Lubos na gumagalang,
Sus, Laurence James S.
laurence.sus@gmail.com
09762973323
Ika-07 ng Hunyo 2023
Sonia E. Bongala, MD
Pangalawang Tagapangulo ng IRB
Makati Medical Center
Makati City, Philippines 1229
Mahal na Gng. Quinto:
Pagbati!
Ang liham na ito ay nagpapakita ng aking interes sa inyong panawagan na maging isang Cardiothoracic Surgeon. Nais ko pong mapabilang sa inyong magigiting at magagaling na surgeons pati na rin sa pag-aaral ng medisina.
Natapos ko po ang aking residency sa Philippine General Hospital, nakatanggap rin po ako ng ilang mga parangal habang ako ay isang resident doctor pa lamang. Nakuha ng inyong ospital ang aking interes dahil sa magandang reputasyon at kalidad ng inyong ospital sa larangan ng medisina. Sa pagsali sa inyong ospital, madagdagan ang aking karunungan sa medisina. Ang aking kaalaman sa medisina ay magagamit ko ng mahusay sa inyong kaya naman, tiyak na ako ay makakatulong rin sa pagpapagaling ng mga taong may karamdaman.
Kalakip ng sulat na ito ay ang aking resume na nagpapakita ng aking mga kredensiyal sa larangan ng pag-opera at magpagbatayan ninyo ang aking husay sa disiplina ng medisina.
Aking inaasahan ang positibong mensahe sa inyo at mapabilang sa departamento ng pag-opera.
Maraming salamat.
Dra. Leandra LT. Ocba, MD
ocbaleandra@gmail.com
09694763757
Ika-1 ng Hulyo 2039
Engr. Pablo Escalarich
Head of Engineering
Pfizer
235 E 42nd St, New York, NY 10017, United States
Mahal na G. Escalarich
Magandang Araw!
Nakita ko ang isang pahayag ng inyong kompanya noong ika-5 ng hunyo taong 2039 na nangangailangan kayo ng Chief of Manufacturing. Kaya naman ako ay naparito para patunayan sa inyo na nasa akin ang mga katangiang hinahanap niyo para sa posisyong inyong kinakailangan para sa kompanya. Sinisigurado ko na nasa akin ang mga kwalipikasyon na hinahanap ninyo at may sapat na karanasan para sa naturang posisyong.
Ako si Carl Joaquin Lyle Almazora isang Director of Operations sa kompanyang San Miguel Corporation sa Mandaluyong City. Ako ay nakapagtapos ng kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas taong 2023-2028 at nakatanggap ng ilang parangal. Nang ako ay tumungtong na sa larangan ng Chemical Engineering nakatanggap ako ng mga parangal dahil sa pinakita kong husay at talento sa pagbuo at pag disenyo ng mga proseso ng paggawa ng kemikal. Dahil sa aking karanasan at pinakitang husay sinisigurado ko na ako ay kwalipikado para sa posisyong aking inaaplayan.
Kalakip ng liham na ito ang aking resume. Handa akong magtungo sa inyong tanggapan para sa isang panayam, sa petsa at oras na inyong nanaisin.
Maraming Salamat!
Carl Joaquin Lyle Almazora
joaquinlyle09@gmail.com
09166765582
Repleksyon:
Laurence James Sus
Ang paggawa ng liham aplikasyon ay isang oportunidad upang magpakilala, magpahayag ng interes, at magpakita ng kahusayan sa isang aplikante. Sa pamamagitan ng maayos na pagkakasulat at paglalahad ng mga kakayahan at motibasyon, ang liham aplikasyon ay nagbibigay-daan upang makapagbigay ng positibong impresyon at maging matagumpay sa pagkuha ng isang inaasam-asam na trabaho.
Aston Martin Morgado
Pakiramdam ko na nahasa pa lalo ang aking abilidad na magsulat ng isang liham aplikasyon, sapagkat ito ay tinalakay sa klase at binigyan kami ng pagkakataon na subukang gumawa ng isang liham aplikasyon. Aking natutunan na importanteng gawing maigsi ngunit malaman ang isang liham aplikasyon, sapagkat ikaw ay maraming aplikante na kasabay, at kapag ang iyong liham ay mahaba ito ay uubos sa oras ng iyong employer.
Geprick Martinez
Ito ay nagpapatunay na ikaw ay mga spesyal na karanasan sa iyong buhay. Dito masusukat kung ano ang mga naranasan mo bilang isang mamayan dito sa ating bansa. Sa pamamagitan nito ito ay makakatulong sayo upang makapag hanap ng maayos na trabaho base sa iyong karanasan.
Jhosh Marianne Austria
Hindi ito nalalayo sa resume ngunit ito ay ginagawa sa pa-talatang porma. Hindi lamang ito ginagamit sa paghahanap ng trabaho kundi maging sa paghingi ng pagtaas ng posisyon sa trabaho. Tunay na isa itong mabusising sulat at kinakailangan ng lubos at wastong kaalaman sa mga dapat ipaloob dito.
Leandra Ocba
Natutunan ko sa pagsulat nito ang kahalagahan ng isang liham para sa pag-aaplay sa trabaho. Dito ay nasubukan ang kakayahan ko sa paghahanap ng mga lehitimong impormasyon para sa pinapangarap kong trabaho.