FERNANDO CUETO AMORSÓLO ( National Artist for Painting - 1972)
FERNANDO CUETO AMORSÓLO ( National Artist for Painting - 1972)
Si Fernando Cueto Amorsolo (Mayo 30, 1892 – Abril 24, 1972) ay ang pinakaunang Pambansang Alagad ng Sining sa Pintura, na kinilala noong 1972. Siya ay naging tanyag na artist at kinilala bilang “Ang Maestro” at “Grand Old Man” ng sining sa Pilipinas. Kilalang-kilala si Amorsolo sa kanyang mga obra na naglalarawan ng rural Philippine landscapes, tulad ng "Planting Rice" (1922), na naging simbolo ng kanyang estilo. Ilan pa sa kanyang mga tanyag na gawa ay ang "Maiden in a Stream" (1961) na ipinapakita ang mga dalagang Pilipina na naglalaba sa tabi ng isang batis, na sumasalamin sa idyllic at pastoral na tanawin ng Pilipinas. "Dalagang Bukid" (1936) na nagpapakita ng kagandahan at likas na yaman ng mga dalagang Pilipina sa kanayunan at "Harvest Scene" (1942) na nagpapakita ng isang pastoral na tanawin kung saan ang mga manggagawa ay abala sa pag-aani ng palay sa mga bukirin.