Si Maya Angelou
Kasaysayan ni Maya Angelou
Si Maya Angelou ay pinanganak noong April 4, `1928 at pumanaw noong Mayo 28, 2014. Bago sya naging si Maya Angelou, sya ay kinilala muna bilang si Marguerite Annie Johnson. Ikinakabit sa kaniyang pangalan ang ilang mga dula, mga pelikula, at mga programang pantelebisyon. Nakatanggap sya ng isang dosenang mga gantimpala at mahigit sa tatlumpung honoraryong mga degring duktorial. ipinanganak sya sa St. Luis, Missouri.
Ang kwento ni Maya Angelou
noong sya'y mag pitong taong gulang, pinagsamantalahan sya ng kasintahan ng kanyang nanay na namatay din nantg bugbugin ng mga galit na tiyuhin ni Maya, Sa sobrang takot at traumang naranasan, sya ay naging pipi ng maraming taon. Sa murang edad din ng 16 taong gulang, sya'y nabuntis at nangamak ng isang sanggol na lalaki. Kalauna'y nagpakasakl sya sa isang griyegong mandaragat na nagngangalang Anastasios Angelopolus. Ang kanyang kilalang pangalan ngayon ay nanggaling sa palayaw na binigay sa kanya ni Bailey at sa pinaikling apelyido ng kanyang asawa.
Kamatayan ni Maya Angelou:
Si Maya Angelou ay nagkakaroon ng mga isyu sa kalusugan sa loob ng maraming taon at dumaranas ng mga problema sa puso nang siya ay namatay noong Mayo 28, 2014. Siya ay natagpuan ng kanyang tagapag-alaga sa kanyang tahanan sa Winston-Salem, kung saan siya ay nagturo sa loob ng ilang taon sa Wake Pamantasan ng gubat. Siya ay 86 taong gulang.
Maliban sa pagiging isang maatibilidad na babae, sya rin ay isang tapat na babae, sya rin ay isang tapat at mabuting kaibigan kay Martin Luther King. Nang mamatay ang kaibigan sa mismong kaarawan nya, Abril 4, 1968, imbis na magdiwang, inalay nya ang araw na iyon sa pagluluksa, at pagpapadala ng bulaklak sa biyuda ni Martin Luther King na si Coretta Scott King.
Hindi naman talaga isang ganap na manunulat si Maya Angelou. Marami din syang pinagdaanang mabibigat na trabaho upang makamit ang tagumpay sa buhay. Sya ay nagsimula ng kanyang trabaho bilang tagapalabas noong 1950. Pagkalaunay nanirahan sya sa Ehipto, pagkatapos ay sa Ghana naman, at syay nagtrabaho bilang isang patnugot at Isang malayang manunulat (freelancer writer). Noong bumalik sya sa Amerika, sya ay hinikayat ng kanyang kaibigan na si James Baldwin, na isulat ang kanyang karanasan sa buhay.
Ang kanyang kwento ay naging sikat at naging aral sa madami, sapagkat marami ang nakaka-unawa sa kanyang mga pinag-daanan sa buhay.
IBA PANG HIGHLIGTHS
Bilang karagdagan sa pag-publish ng kanyang autobiographical series, ginawa ni Angelou ang pelikulang "Georgia, Georgia" noong 1972. Nang sumunod na taon siya ay hinirang para sa isang Tony Award para sa kanyang papel sa "Look Away ." Noong 1977, gumanap si Angelou bilang pansuportang papel sa mini-serye ng TV na nanalong Golden Globes na "Roots ."
Noong 1981, hinirang si Angelou bilang Reynolds Professor ng American Studies sa Wake Forest University sa Winston-Salem, North Carolina. Pagkatapos, noong 1993, napili si Angelou na bigkasin ang kanyang tula na "On the Pulse of Morning" sa inagurasyon ni Pangulong Bill Clinton . Noong 2010, ibinigay ni Angelou ang kanyang mga personal na papel at iba pang mga item mula sa kanyang karera sa Schomburg Center for Research in Black Culture .