Ang Ibong Nakahawla
Background ng Ibong Nakahawla
Ang Ibong Nakahawla ay isang tula ni Maya Angelou. Ito ay nagsisilbing salamin sa kanyang naranasan at naramdaman habang siya’y lumalaki. Sa pamamagitan ng tula, ipinahayag niya ang kanyang buhay na puno ng kapihan at pagsasakripisyo. Isa itong mahalagang kontribusyon sa feminismong pagsusulat noong 1970
Mensahe ng Ibong Nakahawla:
Ang mensahe ng tulang “Ang Ibong Nakahawla” ay tungkol sa pagkakakulong ng isang ibon na nagnanais makaalpas mula sa kulungan o hawla na kanyang kinalalagyan. Ang pagnanais niyang makalipad nang malaya katulad ng ibang ibon. Na kung saan ay inihalintulad ni Maya Angelou ang tulang ito sa kanyang sarili , isinalaysay niya ang kanyang naging buhay bilang isang African- American.Gumamit siya ng mga simbolismo: Ang Malayang ibon na kumakatawan sa mga puti at nakahawlang ibon na kumakatawan naman kay Maya Angelou at sa mga taong may itim na balat tulad niya.
Siya ay gumamit rin ng hawla upang ipakita ang diskriminasyon .Ang diskriminasyon ang nagsilbing rehas sa mga itim. Bagama’t hindi sila pisikal na nakakulong, hindi lamang nila ramdam ang kalayaan.
"Ang Ibong Nakahawla"
By: Maya Angelou
Isang ibon ang umigpaw
sa likod ng hangin
at nagpalutang pababa sa may ilog
hanggang sa magwakas ang agos
at nag tawtaw ng kanyang mga pakpak
sa kahel na silahis ng araw
at nangahas angkinin ang langit.
Ngunit ang isang ibong nanlilisik
sa kanyang makitid na hawla
ay bihirang makasilip
sa mga rehas ng kanyang pagngingitngit
mga paa'y tinalian
kaya't siya'y nagbuka ng tuka upang makaawit.
Ang ibong nakahawla'y umaawit
nang may kasindak-sindak na tinig
ng tungkol sa di-batid na mga bagay
ngunit minimithi ang kapayapaan
at ang kanyang himig ay naririnig
sa malayong burol
sapagkat ang ibong nakahawla'y
umaawit ng kalayaan.
Ang malayang ibon namay nag-iisip ng ibang simoy
ng hanging malamyos sa mga punong
nagbubuntonghininga
ng matatabang uod na naghihintay sa damuhang
sinisinagan ng umaga
at ang langit ay itinuturing na kanyang sarili.
Ngunit ang isang ibong nakahawla'y nakatayo sa
puntod ng mga pangarap
anino niya'y sumisigaw sa tili ng isang bangungot
mga pakpak niya'y pinutulan at mga paa'y tinalian
kaya't siya'y nagbuka ng tuka upang makaawit.
Ang ibong nakahawla'y umaawit
nang may kasindak-sindak na tinig
ng tungkol sa di-batid na mga bagay
ngunit minimithi ang kapayapaan at ang kaniyang himig ay naririnig sa malayong burol
sapagkat ang ibong nakahawla'y
umaawit ng kalayaan