Skóla- og frístundasvið Reykjavíkurborgar
Departamento ng Edukasyon at Kabataan sa Reykjavík
Mikilvægar upplýsingar á filippseysku og íslensku fyrir nemendur, foreldra og einnig kennara.
Mga importanteng impormasyon na nakasalin sa wikang Filipino at Icelandic para sa mga mag-aaral at kanilang mga magulang, at maging sa kanilang mga guro.
Ang Sentro ng Wika at Literasiya (https://mml.reykjavik.is/) ay binubuo ng mga ekspertong konsultant na naninilbihan sa Departamento ng Edukasyon at Kabataan sa Lungsod ng Reykjavík. Sila ay mga konsultant ukol sa literasiya, tagapamagitang pang-wika at kultura o mga konsultant ukol sa multilinggwalismo, at mga tagapangasiwa ng proyektong multikultural. Tungkulin nila na matulungan ang mga Kindergarten, Paaralang Elementarya at Panlungsod na Programang Pangkabataan sa Reykjavík sa pamamagitan ng pagbibigay ng konseho, pagsasanay o maiikling kurso, impormasyon at suporta sa mga ito.
Maaari kayong makipag-ugnayan lalong lalo na sa mga tagapamagitang pang-wika at kultura (brúarsmiðir) kung may nais kayong pag-usapan tungkol sa edukasyon sa Reykjavík.
Brúarsmiður
Tagapamagitang Pang-wika at Kultura
M.A. Menntunarfræðingur
M.A. Espesyalista sa Edukasyon
E-mail: kriselle.lou.suson.jonsdottir@reykjavik.is
Telepono: 411 7988 /664 9010
Address: Borgartún 12-14, 105 Reykjavík
Ang unang antas ng edukasyon sa Iceland ay ang mga Kindergarten o leikskólar. Halos lahat ng mga bata mula 1-5 taong gulang ay dumadalo sa mga Kindergarten nang walong oras kada araw. Sa antas na ito, natututo ang mga bata sa pamamagitan ng paglalaro. Ang lungsod o mga munisipalidad ang siyang namamahala sa mga Kindergarten sa Iceland.
Pagdating sa edad na 6-16 taong gulang ay obligatoryo na para sa lahat ng mga bata ang dumalo sa mga Paaralang Elementarya. Sa antas na ito, ginagamit ang A B+ B C+ C D bilang sistema ng pagmamarka (Aðalnámskrá, page 55). May 3 pangunahing mga asignatura: ang wikang Icelandic, Matematika at English (ang wikang English ay itinuturo bilang wikang banyaga). May mga asignatura din tulad ng Agham, Araling Panlipunan, Edukasyong Pantahanan, Pampalakasan, Sining, Danish bilang wikang banyaga, Teknolohiya at mga elektibong asignatura. Di tulad sa ibang mga bansa, palaging naaayon sa taon ng kapanganakan ng bata ang baitang nito. Samakatuwid ay sama-sama ang mga magkaka-edad sa bawat baitang anuman ang kanilang mga marka sa mga asignatura (Aðalnámskrá, pahina 31).
Nahahati din sa tatlo ang paaralang elementarya:
Baitang 1 hanggang 4 (Yngsta stig) - ito ang antas primarya o primary years
Baitang 5 hanggang 7 (Miðstig) - ito ang gitnang antas o middle school
Baitang 8 hanggang 10 (Unglingastig)- ito ang antas ng mga tinedyer o junior highschool
Sa pagtatapos ng mga bata sa ika-sampung baitang ay maaari na silang pumunta sa mga Paaralang Sekundarya. Hindi na ito obligatoryo ngunit maraming mga estudyante ang nagpapatuloy ng kanilang pag-aaral. Kadalasang kinakailangan ng mga mag-aaral ng mga huling markang A B+ B sa mga pangunahing asignatura para makapasok dito. Tatlong taon ang antas na ito at pagkatapos ay maaari na silang magpatuloy sa mga Pamantasan o Unibersidad.
May tanong ka ba tungkol sa sistema ng edukasyon dito sa Iceland? Makipag-ugnayan lamang sa amin!
Grunnskóli - Mga Paaralang Elementarya
Dito mapapanood ang video tungkol sa Obligatoryong Edukasyon sa Reykjavík na nakasalin sa wikang Filipino: https://vimeo.com/showcase/7803194/video/459040999
Para sa mga video na nakasalin sa iba pang mga wika, magpunta lamang dito:
íslenska https://vimeo.com/424004128
English https://vimeo.com/423988602
Iba pang mga wika: https://menntastefna.is/tool/islenska-skolakerfid-myndbond/
Nasa ibaba ang mahahalagang impormasyon para sa mga magulang na may mga anak sa paaralang elementarya:
Verkfærakista / Sari-saring Kagamitang Pang-edukasyon
Paaano ninyo matutulungan ang inyong anak sa kanilang pag-aaral at mga takdang aralin? Makikita ninyo rito sa ibaba ang mga maaari ninyong gawin. Gumawa ang mga tagapamagitang pangwika at kultura ng toolbox na ito na puno ng mga sari-saring mga pamamaraan upang masuportahan ng mga magulang ang wikang Icelandic at takdang-aralin ng kanilang mga anak.
This is a resource for reception and communication when it comes to students and parents who are beginning to learn Icelandic.
The most commonly used sentences in communicating at school, for instance when talking with the school secretary, parent-teacher meetings, first days of schooling, etc. are translated to Arabic, English, Lithuanian, Polish and Spanish
Dr. Sigríður Ólafsdóttir is a professor at the University of Iceland who has researched that status of students' Icelandic literacy skills. This video is her message to parents showing results from her investigations and she also relays important message for parents of plurilingual children.
Translations are available in:
Arabic, English, Filipino, Polish, Portuguese, Romanian, and Ukranian
https://reykjavik.is/fristundamidstodvar
The recreation centers administer the activities of Reykjavík City afterschool programs and youth centers for each district. They are Brúin, Miðberg, Kringlumýri, and Tjörnin. Parents can seek assistance from the recreation centers, who employ, among others, financial managers who can guide them on bills and other matters related to them.
Frístundaheimili
After-School Centers
Every primary school has an after-school center with a variety of recreational activities for children ages 6 through 9 (grades 1-4). Children can stay in the after-school center from the end of the school day until 5 pm. In summer, the after-school centers are open all day. A fee is charged for a stay in an after-school center and siblings get a discount.
Félagsmiðstöðvar
After-School Centers
Every district in the city has after school centers for 10-16 year olds (grades 5-10), which offer constructive social activities in their spare time. Efforts are being made to reach out to those adolescents in need of social support and to offer a wide range of topics. Work is carried out in clubs, specific group work, open work and temporary assignments. Details of the opening hours of the community centres are available on each of their websites.
Their services are free of of charge.
Myndlist, sund, tónlist og skíði í borginni okkar
Sports, Leisure, Culture and Arts in our city
There are swimming pools, museums, events and city festivals, awards, grands and recognirtion, sports and outdoor activities, as well as Hitt Húsið - Youth Center.
Impormasyon tungkol sa Kindergarten sa wikang Icelandic at Cebuano. Magpunta rito para sa iba pang mga wika.
Mga tanong at sagot para sa mga multilinggwal na mga pamilya tungkol sa mga pamilya at sa pagpapalaki ng mga batang may maraming lengwahe. Magpunta rito para sa iba pang mga wika.
Paano nga ba ginagamit at hinahati ng bata ang kinyang oras sa dalawa o higit pang mga wika? Ano ang epekto nito sa pagtuto sa mga wika? Magpunta rito para sa iba pang mga wika.
Gagnlegar upplýsingar fyrir foreldra, nemenda og kennara
Praktikal na mga impormasyon para sa mga mag-aaral, magulang at guro
Ano nga ba ang mga espesyal na araw at kaugalian dito sa Iceland? Narito ang mga paliwanag sa wikang Icelandic at Filipino.
Magpunta rito para sa iba pang mga wika.
Papaano ipinagdiriwang ang pasko dito sa bansa? Narito ang paliwanag sa wikang Icelandic at Filipino.
Mga karaniwang salita at pangungusap sa wikang Icelandic at Filipino na magagamit ng bata sa kanyang paaralan.
Mga karaniwang salita at pangungusap sa wikang Icelandic at Filipino na magagamit ng bata sa kanyang paaralan.
Maaari bang manatili sa labas ang mga bata hanggang gabi? Basahin dito ang mga patakaran.
I-click dito para sa iba pang mga wika.
Multicultural and Information Centre
(Fjölmenningarsetur) Maaaring magbigay ang Multicultural Center ng impormasyon sa maraming aspeto ng pang-araw-araw na buhay at pangangasiwa sa Iceland at magbigay ng suporta tungkol sa paglipat sa at mula sa Iceland.