Panawagan para sa Presentasyon ng Pananaliksik
Pangunahing layunin ng Ika-14 na Salindunong:Pambansang Kumperensiya sa Filipino at Pananaliksik na matalakay ang iba’t ibang hamon sa pagtuturo at pagsasagawa ng pananaliksik sa wika, panitikan at kultura sa panahon ng “New Normal”. Kaugnay nito, hinihikayat ang mga iskolar sa wika, panitikan at kulturang Pilipino na magsumite ng abstrak ng papel pananaliksik na maaaring nakasulat sa wikang Filipino o Ingles sa mga paksang nasa ibaba, ngunit hindi limitado rito hangga’t tumutugon sa tema ng kumperensiya:
Wikang Filipino Bilang Global na Wika
Wika at Lipunang Pilipino
Wika at Kulturang Pilipino
Wika at Edukasyon
Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino
Varayti at Varyasyon ng Wika
Analisis ng Diskurso
Araling Pagsasalin
Linggwistiks
Pagtuturo sa Panahon ng Pandemya
Panitikang Bayan at Panitikang Rehiyonal
Panitikan at Kulturang Popular
Panitikan sa Panahon ng Pandemya
Panitikan, Relihiyon at Lipunan
Panitikan ng Pilipinas at Ibang Bansa
Panitikan at Iba pang Sining
Kritisismong Pampanitikan
Diaspora at Kulturang Pilipino sa Global na Konteksto
Mga Gabay sa Pagsumite ng Abstrak
Binubuo ng 200-250 na mga salita
Font style: Times New Roman, at may 11 na font size
Taglay dapat ng abstrak ang: layunin ng pag-aaral, metodolohiya, buod ng mga natuklasan at konklusyon
May limang (5) susing mga salita
Kabilang ang pamagat, pangalan ng awtor, apilasyon, at email address
Nakasulat sa MS Word format (DOC or DOCX), at paki-save gamit ang format na: 14Salindunong_Surname.doc
Isumite ang abstrak sa salindunong@g.msuiit.edu.ph na may subject na
Salindunong 2022 Abstrak-Apelyido, Pangalan, Gitnang Inisyal
Huling araw ng pagsusumite ng abstrak: Enero 15, 2022