Layunin ng DAO No. 2022-01 na maensure na ang mga ahensya at opisina ng gobyerno, national man o local, na nais magdevelop ng mga infrastructure projects for public use sa ating mga forest lands ay mabibigyan ng kaukulang permit na gratuitous in concept and in conformity to government plans and standards.
Ang layunin ng DAO No. 2021-43 ay ang ma-establish ang CAVCS para ma-engganyo at masuportahan ang mga investments sa mga aktibidad na nag-sesequester ng carbon dioxide and to avoid emissions na dulot ng deforestation at forest degradation.
Sakop ng DMC 2022-04 ang pagpapangalan sa lahat ng watershed at mga sub-watershed nito gamit ang ridge-to-reef approach. Mahalaga na mabigyan ng pangalan ang mga watershed upang magkaroon ang mga ito ng unique identity na makakatulong upang maiwasan ang pagkakapare-pareho ng mga ito.
Layunin ng DAO No. 2022-05 na ma-ensure ang sustainable production, ease of transport at disposition ng wood charcoal sa bansa at masigurado na ang raw materials na ginamit sa paggawa ng wood charcoal ay galing sa legal sources sa pamamagitan ng pag-iisue ng Wood Charcoal Production Permit (WCPP) at Wood Charcoal Transport Permit (WCTP).