Tatalakayin natin sa video na ito ang pag-institutionalize sa mga existing at bagong Watershed Management Councils sa lahat ng critical watersheds at proclaimed watershed forest reserves.
Tatalakayin naman sa video na ito kung paano itatatag, papatakbuhin at imamantini ang National Forest Monitoring System para sa pagpapatupad ng mga plano, programa, at aktibidad gamit ang REDD+ strategy.
Tatalakayin sa video na ito ang DAO na naglalayong ilagay ang mga forestlands na ginawang plantasyon gamit ang pondo ng pamahalaan sa ilalim ng anumang angkop na tenure instrument o management arrangement.
Dalawang DAO ang tatalakayin sa video na ito. Ang DAO 2021-17 ay naglalayong mapabilis ang pagpapatibay ng CRMF at pag-apruba sa FYWP ng mga may hawak ng CBFMA. Samantala, ang DAO No. 2021-42 naman ay naglalayong itakda ang mga criteria at proseso para sa pagpapalawak ng mga umiiral na CBFMA na sumasaklaw sa mga katabing untenured areas sa loob ng mga kagubatan para sa pamamahala, pag-unlad, pagmamantini, at proteksyon ng mga ito.
Tatalakayin sa video na ito ang DAO 2021-33 na naglalayong gawing mas simple at maayos ang mga hakbang sa pagkuha, pag-extract, pagkolekta, at pag-transport ng mga kahoy, resins, langis, at exudates.
Pag-uusapan naman natin sa video na ito ang DAO 2021-26 ay naglalayong magbigay ng mga alituntunin sa pagtatanim, pag-aani, at pag-transport ng mga kawayan. Sakop nito ang lahat ng natural na tumutubo na kawayan, mga backyard farms at plantasyon sa mga kagubatan, agrikultural na lupa (alienable and disposable), mineral lands, mga lupang may pribadong titulo, at mga lupang ninuno.
Last but not the least, tatalakayin sa video na ito ang DAO 2021-27 na naglalayong magbigay ng mga alituntunin sa pag-iisyu ng Provisional Agreement. Sakop nito ang bagong application, renewal, at/o conversion ng tenure instruments na inisyu ng DENR under the forestry sector, na na-endorso at natanggap na ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) para sa pag-iisyu ng kaukulang Certification Precondition (CP) at/o Certificate of Non-Overlap (CNO).