Sa isang Youth Development Session (YDS) para sa mga batang-benepisyaryo ng 4Ps mas nabuo ang pangarap ni Jimuel Peñero na maging isang guro. Ayon sa kanyang pagsasalaysay, mas nagkalakas-loob siyang abutin ang kanyang pangarap lalo na nang marinig niya ang mga k’wento ng pakikipagsapalaran ng mga kabataang tulad niya.
Ngayon ay buong-pagmamalaking natupad na ang kanyang pangarap. Siya ay nagtapos sa Southern Luzon State University bilang Magna Cum Laude at kamakailan ay pumasa sa Licensure Examination for Teachers.
Sa kanyang salaysay - ANG SABONGERO, ANG MAG-IINOM AT ANG ADIK, ikinumpara ni Deniel Lubiano ang kanyang ama, na isang magsasaka, sa mga manok na tila nakikipagsabong sa kung anu-anong hamon ng buhay para lamang ipangsuporta sa kanilang tatlong magkakapatid. Ang kanyang ina naman ay inihalintulad n’ya sa manginginom ng alak na matapang na nilulunok ang mga mapapait na panlalait at pangmamata ng iba.
Para sa kanya, bagamat ang mga ito [tulad ng iba’t ibang bisyo] ay may negatibong konotasyon lalo na’t sa mga benepisyaryo ng 4Ps na katulad nila, ang mga ito ay nagmarka sa kanya bilang bata at ninais na patunayan na sila ay lubos na natutulungan ng programa.
Ayon kay Deniel, na ngayon ay isang lisensyadong guro, ginamit ng kanilang buong pamilya ang mga oportunidad mula sa programa sa tama at hindi tumigil na magsumikap para baguhin ang kanilang pamumuhay.
Thirty-five youth, who belong to the Dumagat indigenous peoples (IP) group and are beneficiaries of the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) from Burdeos, Quezon, have undergone self-empowerment sessions last June 4-7, 2024 in Lucena City.
These sessions are part of the DSWD’s Enhanced Support Services Intervention (ESSI) for the beneficiaries of the 4Ps, particularly indigenous peoples. This includes supplementary interventions that address their needs and help increase their opportunities to improve their level of well-being.
In Burdeos, Quezon, one of the identified challenges among children and youth is the non-attendance to school due to varied reasons including early pregnancy and early cohabitation.
Through sessions such as discussions about IP rights, self-awareness, and discipline, the Dumagat children and youth are guided towards discovering their potentials and achieving their dreams.
“Marami po kaming natutunan sa training, kagaya ng pamamaraan kung paano maabot ang pangarap, kahalagahan ng pagiging lider at kung paano pa namin mas mapapaunlad ang aming kakayahan. Dito ko rin na-realize na hindi dapat namin ikahiya na kami ay mga katutubong Dumagat. Dapat ay ipagmalaki namin ito,” shared Laira Joy Turgo, one of the Dumagat youths who attended the sessions, from Brgy. Anibawan.
The 35 youth also expressed their commitment to work with the DSWD and their community leaders in advocating for the rights of IP children in their community. [with reports from JBMManalo]