About us


Himno ng Roces


Sa aming paaralan

Hinuhubog ang mga kabataan

Upang maging kapakinabangan

Ng sintang lungsod at bayan

Namumutawi sa aming labi

Pagpapahalaga sa bawat gawi

Pinakikilos na may paghahari

Ng paaralang tinatangi

(Chorus)

Ang Roces ay sandigan

Pandayan ng karunungan

Tanglaw ng kabataan

Patungo sa kaunlaran

Mga munting kagalingan

Pinaghuhusayang tunay

Maagap naming pinaglilingkuran

Roces na minamahal.

Repeat (Chorus)

Composer: Mrs. Elma E. Mansit