DALUPAN ES ONLINE ENROLLMENT FOR KINDERGARTEN , GRADE 1 AND TRANSFEREES IS NOW OPEN
BRIGADA PARA SA PAARALAN: BRIGADA SA DALUPAN!
Tara na, Brigada Eskwela na!
PANAWAGAN PARA SA PAKIKIISA!
Bagamat mahirap ang ating nararanasan na sitwasyon sa mga panahong ito dulot ng COVID19, ang Kagawaran ng Edukasyon ay puspos pa rin ng pag-asa na maihahatid nito ang nararapat na serbisyo para sa ating mga mag-aaral.
Tayo parin po ay nasa tinatawag na "new normal" na kung saan ang mga pangunahing pangangailangan natin ay ang mga kagamitan at suportang makapagbibigay proteksyon at kaligtasan sa bawat isa.
Sa mga nais tumulong, o kung may mga kilala kayong mga nais na magpaabot ng kanilang mga donasyon, malaki man o maliit, mangyari lamang po na makipag- ugnayan sa mga guro ng Dalupan Elementary School. Pwede rin ninyong itext o magmessage para sa inyong mga tulong o donasyon. Maraming salamat po!