Frequently Ask Questions on Enrollment for SY 2021-2022
DALUPAN ES ONLINE ENROLLMENT FOR KINDERGARTEN , GRADE 1 AND TRANSFEREES IS NOW OPEN
Frequently Ask Questions on Enrollment for SY 2021-2022
Q: Kung ipinanganak ng ika-1 ng Nobyembre 2016 pataas ang
bata, maari ba siyang makapagkinder?
A: Hindi po siya maaring makapagkinder. Mahigpit na ipinatutupad
ang "cut-off age policy" na nakasaad sa DO no.47 2016, at D.O
no.20 s.2018
Q: Paano kung nakapag-Prep ang bata sa Private School ,
marunong ng magbasa, maari na po ba siyang mag Grade 1
ngayong pasukan ng SY 2021-2022?
A: Opo, ito ay kung ang bata ay may KATIBAYAN na siya ay
nakatapos ng kinder sa private school at Mayroong LRN.
Q: Paano kung ang bata ay nkapag-aral sa private school at may
edad na para sa Grade 1, ngunit hindi nabigyan ng LRN?
A: Pumunta sa Bureau of Education Assessment (BEA) upang
makakuha ng schedule upang mabigyan ng assessment ang
bata kung nakuha na ba niya ang nararapat na mga
competencies sa kinder.
Q: Paano kung hindi nkapag kinder ang bata, ngunit siya ay
over- age na para sa Grade 1, maari na po ba siyang mag Grade
1?
A: Hindi po. Malinaw sa D.O no.20 s.2018 na dapat may KATIBAYAN
ang bata na siya ay NAKATAPOS ng KINDERGARTEN kahit ano pa man ang kanyang edad.