Sa bisa ng Proclamation No, 479 na nilagdaan ng Pangulong Fidel V. Ramos noong taong 1994, ipinagdiriwang tuwing buwan ng Nobyembre ang Filipino Values Month. At haligi ng pagdiriwang na ito ang Maka-Diyos, Makatao, Makakalikasan at Makabansa.
Ang Paaralang Elemenatarya ng Don Galo ay nakikiisa sa pambansang pagdiriwang na ito ngayong taon na may temang “Batang Pilipino: May Positibong Pagpapahalaga sa Gitna ng Kalamidad at Pandemya”.
Ang taong 2020 ay sumubok sa ating mga Pilipino dahil sa kabila kabilang pagsubok na ating naranasan. Ngayong taon mas lalo nating pagtibayin ang pagiging Maka-Diyos. Patuloy na manalangin at kumapit lamang sa ating Poong Maykapal.
Patuloy din tayong tumulong sa ating kapwa higit lalo na sa mga nangangailangan.
Bigyang halaga ang ating inang kalikasan. Sa simpleng paghihiwalay ng basura at pagtapon nito sa tamang lugar, pagpapanatili ng kalinisan sa loob ng tahanan at kapaligiran at pagtatanim ng mga halaman sa ating paligid ay malaking tulong upang mapanatili ninyong buhay at masigla ang kalikasan.
Manatiling tapat sa bayan, sumunod sa patakaran ng komunidad.
Ang mga ito ay ilan lamang sa mga Pagpapahalagang Pilipino na dapat tandaan ng mga mag-aaral na tulad ninyo.
Sa kabila ng ating sitwasyon ngayon, manatili kayong positibo na matatapos din ang lahat ng ito sa biyaya at awa ng ating Diyos.
Michelle D. Camposano
School Principal
Ang kaukulang permiso para sa mga larawan ng mga mag-aaral ay ipinagkaloob ng kanilang mga magulang.