Sa tulong ng Brigada Eskwela, ang aming paaralan ay naging isang lugar kung saan ang komunidad ay nagkakaroon ng pagkakataong makasama sa aming pagsusumikap na ihanda ang paaralan. Ang komunidad ay gumugol ng kanilang oras upang magboluntaryo, magbigay ng mga pangangailangan ng paaralan at makakuha ng bihirang pagkakataon na makipagtulungan sa aming paaralan.
BRIGADA ESKWELA 2020: Bayanihan sa Paaralan
Dahil sa ating kasalukuyang sitwasyon sa gitna ng pandemya, sa taong ito ang Brigada Eskwela ay nagnanais na ipagpapatuloy ang edukasyon at nasisigurado ang kaligtasan, kapakanan at kalusugan ng mga mag-aaral, punong guro, guro, at mga tauhan. Malaking papel ang gagampanan ng Brigada Eskwela upang maisakatuparan ang multiple learning delivery modalities.
Ang aming paaralan ay humihingi ng inyong pakikiisa at pakikipagbayanihan upang matugunan ang aming mga pangangailangan.
Click to donate: