Thursday, January 23, 2025 at 6:15pm
Early Registration for Upcoming Grade 7 and Grade 11
Magandang buhay sa ating lahat!
Simula sa Sabado, Enero 25, 2025, mula ika-8 ng umaga hanggang ika-4 ng hapon ay gaganapin ang EARLY REGISTRATION para sa mga GRADE 7 at 11-Senior High School, para sa Taong Panuruan 2025 - 2026. Paalala: Ito po ay pagpapalista pa lamang at hindi nagangahulugan ng awtomatikong enrolled ang mga mag-aaral. Sa iba pang importanteng detalye, basahin ang poster. Kita-kita po tayo! Maraming salamat po.
Saturday, January 21, 2025 at 9:46am
The New OIC-Principal, Mr. Allan V. Tuibeo
Amin ang karangalan at kasiyahan na makasama po kayo sa ating paaralan bilang OFFICER IN-CHARGE, OFFICE OF THE PRINCIPAL, simula Enero 10 sa taong kasalukuyan. Binabati ka namin, Sir Allan V. Tuibeo! Nawa ay patuloy kang pagpalain, ingatan at gabayan ng ating Poong Maykapal sa iyong pamumuno sa Concepcion Integrated School- Secondary Level.
Saturday, January 4, 2025 at 8:07 pm
Atletang CISIAN may pusong palaban!
Matapos angkinin ang kampeonato sa iba't ibang larang ng isports, muli natin aabangan ang giting at galing ng CISSL Sports Club sa darating na Division Palaro, ngayong Enero 29-31 2025.
December 27, 2024
Link Club: Paper of Gratitude
Monday, December 23, 2024 at 1:35 pm
“Hindi mo matatawid ang karagatan sa pamamagitan lamang ng pagtayo at pagtitig sa tubig.” – Rabindranath Tagore
Amin ang kagalakan na ipaalam ang pagkakatalaga ni DR. ALEJANDRO G. IBAÑEZ bilang bagong SCHOOLS DIVISION SUPERINTENDENT ng SDO - Marikina City.
Dalangin namin ang ibayong kalakasan ng katawan, kalinawan ng isip at pang-unawa, at kahusayan upang lalong mapabuti at mapataas ang kalidad ng edukasyon sa inyong bagong tahanan - ang SDO Marikina City.
November 27, 2024
Atletang CISIAN May Pusong Palaban!
Friday, November 15, 2024 at 10;57 am
“ako, ang hinahangaan kong tao na mahilig sa libro e yung may matututunan ka pag kausap mo, yung makikita mong naging marunong at mabuti siyang tao dahil sa pagbabasa niya ng mga libro.”
― Bob Ong, Lumayo Ka Nga Sa Akin
IPAGDIWANG ANG PAMBANSANG BUWAN NG PAGBASA!