Tara na at mag-enroll simula Hulyo 20, 2023 sa ating paaralan, Vicente P. Trinidad National High School Bukas na ang pagpapatala mula Grade 7 hanggang Grade 12.
Ang ating enrollment ay tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8 am - 5 pm, at tuwing Sabado, 9 am - 12 nn.
Para sa mga mag-aaral na naangat ng antas, ipakita lamang ang SF9 (Report Card) at sagutan ang Early Registration/Enrollment Form sa pagpapatala.
Sa ating mga new enrollees sa Grade 7 at 11 at mga transferees, sagutan ang Early Registration/Enrollment form at dalhin ang mga sumusunod:
- PSA Birth Certificate
- Photocopy of latest SF9 (Report Card)
- Other proof of identity, if available (kagaya ng ID)