Sa tuluyan at mabilisang pag-usbong ng teknolohiya at midya, ang radio broadcasting ay tumatayo bilang mabisang plataporma upang maiparating ang boses ng kabataang Pilipino lalo’t higit sa konsepto ng pampaaralang pamamahayag. Itinuturing ito bilang boses na kumakawala upang maipabatid ang mga makatotohanang bagay na nagmumulat sa bawat indibidwal upang lubos niyang maunawaan ang mundong kanyang ginagalawan. Sa ilalim ng Campus Journalism Act of 1991, o mas kilala bilang Republic Act No. 7079, binigyang diin ang pagtataguyod at pangangalaga ng malayang pamamahayag sa mga paaralan sa Pilipinas na naglalayong hubugin ang etikal na pagpapahalaga, pagkamapanuri at pagkamalikhain ng mga kabataang Pilipino.