Maligayang Pagdating sa Official Website ng SULATINIG, ang Tinta at Boses ng Katotohanan
Sa bawat pagbisita mo sa pahinang ito, ikaw ay bumubukas sa isang makabuluhang paglalakbay sa mundo ng radio broadcasting, isang larangang humuhubog sa tinig, talino, at tiwala ng mga kabataang mamamahayag.
Ang website na ito ay bunga ng pananaliksik na pinamagatang “ SULATINIG: Papel ng mga Tagapagsanay sa Paglinang ng Kakayahan ng mga Mag-aaral na Mamamahayag sa Radio Broadcasting sa Sangay ng Batangas.” Dito, inilalahad ang mga ideya, karanasan, at natuklasan na sa mga tagapagsanay at mga mag-aaral sa paghubog ng kasanayan sa larangan ng pamamahayag sa radyo.