Panuto: Panoorin ang bidyo tungkol sa pagbibigay angkop na pamagat ng isang talata at tekstong napakinggan.
Panuto: Panoorin ang bidyo at isulat ang mahahalagang detalye ng aralin.
Panoorin ang bidyo na naglalaman nang wastong salitang natutuhan at salitang hiram.
Panuto: Pakinggan mong mabuti ang talata. Isalaysay ang kuwento sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong.
Ang magkaibigang Ana at Lina ay tahimik na nagbabasa ng aklat sa loob ng silid-aklatan. Kailangan nilang tapusin ang ibinigay na takdang-aralin ng kanilang guro sa Filipino. Pagkatapos ng tatlumpong minuto ay dali-daling lumabas ang magkaibigan. Sa wakas, natapos din nila ang ipinapagawa ng kanilang guro. Nagpasya silang pumunta sa kantina upang bumili ng makakain. Habang naglalakad ay may narinig silang tila ungol ng aso. Dagli nilang hinanap ang pinanggalingan ng tunog.
Sa dakong hardin ng paaralan, may nakita silang dalawang tuta na nahulog sa kanal. Mabilis na tumakbo si Ana upang humingi ng tulong. Nakasalubong ni Ana ang kanilang guro sa P.E. na si G. Año. Sa kaniya siya humingi ng tulong. Sabay nilang pinuntahan ang kinaroroonan ng kaniyang kaibigang si Lina. Nasa kanal pa rin ang dalawang tuta. Tinulungan sila ni G. Año na mailigtas ang mga tuta. Tuwang-tuwa ang magkaibigan nang makuha mula sa kanal ang dalawang tuta.
Isulat sa isang buong papel at sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Sino-sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
2. Ano-ano ang ginawa ng magkaibigan sa araw na iyon?
3. Ano ang narinig ng dalawang magkaibigan?
4. Sino ang tumulong kina Lina at Ana?
5. Kung ikaw ay isa sa magkaibigan, gagawin mo rin ba ang kanilang ginawa? Bakit?
Pagkatapos mong sagutan ang mga tanong, gawin mo naman ito.
Basahin ang kuwento na nasa ibaba. Bago basahin ang teksto, kailangan mo munang panoorin ang bidyo na nasa ibaba tungkol sa pagsasalaysay muli ng napakinggang teksto.
I-click/Tap lamang ang pamagat ng kuwento upang makita ang kabuoan ng kuwento.
Gawin: Basahin ang halimbawa ng talambuhay.
Antonio Luna
(29 Oktubre 1866–5 Hunyo 1899)
Si Antonio Luna (An·tón·yo Lú·na) ang Filipinong heneral na namunò sa hukbong sandatahan ng Himagsikang Filipino at pangalawang kalihim ng digma sa Republikang Malolos. Kinikilala siya bilang pinakamahusay na Filipinong heneral sa kaniyang panahon. Siyá rin ang nagtatag ng unang akademya militar ng bansa. Kapatid niya ang pintor na si Juan Luna.
Isinilang siyá noong 29 Oktubre 1866 sa Urbiztondo, Binondo, Maynila, at bunso sa pitong anak nina Joaquin Luna de San Pedro at Laureana Novicio-Ancheta.Nakamit niya ang batsilyer ng artes sa Ateneo Municipal de Manila at nag-aral ng panitikan at kemistri sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nag-aral siyá sa España ng parmasyutika. Hinangaan siyá ng mga Europeo sa kada- lubhasaan sa mga sakit sa tropiko gaya ng dilaw na lagnat. Bilang isa sa mga Filipinong na- glunsad ng Kilusang Propaganda, sumulat siya mga sanaysay at kuwento sa La Solidaridad sa ilalim ng sagisag na “Taga-ilog.”
Nagbalik siyá sa Filipinas at tahimik na namuhay bilang parmasyutiko. Dinakip siyá noong 19 Agosto 1896 at ipinatapon sa España dahil napaghinalaang tagapagtaguyod ng Katipunan. Habang nása ibang bayan, pinag-aralan niya ang sining ng pakikidigma sa Belgium. Muli siyáng nagbalik sa Filipinas nang Digmaang Filipino-Americano at hinirang ni Heneral Emilio Aguinaldo bilang heneral Itinatag din niya ang diyaryong La Independencia. Disiplina ang pangunahing itinuro niya sa hukbong Filipino. Itinatag niya sa Malolos ang Academia Militar, ang binhi ng kasalukuyang Philippine Military Academy. Pinarusahan niya ang bawat sumuway sa batas militar. Dahil sa kaniyang kapusukan, kahigpitan, at tagumpay sa mga labanan ay marami ang nainggit sa kaniya.
Noong 5 Hunyo 1899, nagpunta siyá sa Cabanatuan, Nueva Ecija dahil sa mensaheng ipinatawag siyá ni Aguinaldo. Pinaslang siyá ng mga sundalo sa pamu-munò ni Kapitan Pedro Janolino na minsang sumuway sa utos niya at inirekomendang alisin sa hukbo. Sa kaniyang kamatayan, tuluyang huminà at dumanas ng sunod-sunod na pagkatalo ang hukbong Filipino. Isang pinunòng Americano si Heneral Hughes ang nagsabing “Isa lámang ang heneral ng mga Filipino, at siyá’y pinaslang nilá.”
Sanggunian: Cite this article as: Luna, Antonio. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/luna-antonio/
Sagutin: Gumawa ng balangkas o outline tungkol sa talambuhay ni Heneral Antonio Luna. Maaari mong sundin ang gabay o guide sa paggawa nito. Gawin ito sa isang buong papel (1 whole sheet of paper)
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang talata. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa 1/2 crosswise.
Talata:
Ang pamilyang Pilipino ang pinakamaliit na institusyon ng lipunan. Dito unang nahuhubog ang kagandahang asal ng mga bata na itinuturo ng magulang. Ang pamilya ang unang nasasandalan ng bawat miyembro sa tuwing nahaharap sa mga pagsubok sa buhay. Ito ang siyang gumagabay upang maging handa ang sinuman sa pagharap sa mga hamon sa buhay pagdating ng panahon.
1. Alin sa sumusunod na pamagat ang angkop sa binasang talata?
2. Ano ang kahalagahan ng pamilyang Pilipino bilang pinakamaliit na institusyon ng lipunan?
3. Paano nagiging instrumento ang pamilya sa paghubog ng kagandahang asal ng mga bata?
4. Paano nakatutulong ang pamilya bilang sandalan ng bawat miyembro nito sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay?
Pag-aralan ang ilan sa mga tulang naisulat ni Dr. Jose Rizal.
Panuto: Basahin ng salitaan, bigkasin ng paulit-ulit at suriin ang tulang nasa ibaba. Pagkatapos, ipadala ang iyong pagsusuri gamit ang link sa ibaba.
SA SANGGOL NA SI HESUS
O Diyos na Sanggol, paano ba kaya't
Ang sinilangan Mo ay sabsabang aba?
Diyata't di pa man ay pag-alipusta
Ang dulot ng Palad sa Iyong pagbaba?
Kaylungkot! O hari ng Sangkalangitan,
Nagkatawang-tao't sa lupa'y tumahan,
Hindi Mo ba ibig na Haring matanghal
Kundi Pastol namin na kawan Mong mahal?
KUNDIMAN
Tunay ngayong umid yaring dila't puso
Sinta'y umiilag, tuwa'y lumalayo,
Bayan palibhasa'y lupig at sumuko
Sa kapabayaan ng nagturong puno.
Datapuwa't muling sisikat ang araw,
Pilit maliligtas ang inaping bayan,
Magbabalik mandin at muling iiral
Ang ngalang Tagalog sa sandaigdigan.
Ibubuhos namin ang dugo't babaha
Matubos nga lamang ang sa amang lupa
Habang di ninilang panahong tadhana,
Sinta'y tatahimik, iidlip ang nasa.
I-CLICK ANG LINK....................................................................PAGSUSURI: LINK