NOVEMBER 18, 2024- ARALING PANLIPUNAN
Panuto: Kopyahin ang mga importanteng impormasyon sa kwaderno at sagutan ang GAWAIN 2 AT PAGTATAYA sa kwaderno.
OCTOBER 21, 2024- ARALING PANLIPUNAN
Panuto: Kopyahin sa kwaderno ang importanteng impormasyon sa video at sagutan ang GAWAIN 1 at GAWAIN 2 (sagot na lamang po)
ARALING PANLIPUNAN: SEPTEMBER 27, 2024
Panuto: Panuoring ang video at isulat sa AP notebook ang mga mahahalagang impormasyon.
PARAAN NG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG PILIPINO SA PANAHONG PRE-KOLONYAL
Isulat sa isang buong papel at gawin ang sumusunod na panuto.
A. Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang isinasaad ng mga sumusunod na pangungusap ay naaangkop at MALI naman kung hindi naaangkop.
______1. Sa Panahon ng Paleolitiko tinatayang nabuhay ang mga Taong Tabon.
______2. Ilang halimbawa ng mga kasangkapan noong Maagang Panahon ng Metal ay natagpuan sa Puerto Prinsesa, Malate, at Bulacan.
______3. Natutong magsaka at maghayupan ang mga Pilipino sa Panahon ng Neolitiko.
______4. Sa Panahong Paleolitiko pangangaso at pangangalap ng pagkain ang kanilang paraan ng pamumuhay.
______5. Hinasa at pinakinis ng mga tao ang dati ay magaspang na mga kasangkapang bato sa Panahon ng Metal.
B. Panuto: Isulat sa patlang ang Panahong Paleolitiko, Panahong Neolitiko, o Panahong Metal ang isinasaad ng bawat pangungusap.
1. Ang mga tao ay nakipagkalakalan sa mga mangangalakal sa Timog- Silangang Asya.
2. Nanirahan ang mga tao sa mga yungib.
3. Gumamit ang mga tao ng magagaspang na kasangkapang bato.
4. Natutong magmina ang mga tao sa mga kabundukan.
5. Nanirahan ang mga tao sa tabi ng mga dagat at ilog.
6. Gumawa ng talim sibat, gulok, kutsilyo at iba pang sandata.
7. Naging permanente ang paninirahan ng mga tao.
8. Natutong magsaka at mag-alaga ng hayop ang mga Pilipino.
9. Nagkaroon ng espesyalisasyon sa paggawa ang mga tao.
10. Panahong nabuhay ang Taong Tabon.
C.Panuto: Isulat ang TAMA kung ang isinasaad ng mga sumusunod na pangungusap ay naaangkop at MALI naman kung hindi naaangkop.
______1. Natutuhan ng mga Pilipino ang pagkain ng prutas at gulay sa Panahon ng Neolitiko.
______2. Sa panahon ng Metal ang mga Pilipino ay natutong magpaamo ng mga hayop tulad ng kambing, baka at baboy.
______3. Nakagawa ng mga palamuti at disenyo gaya ng mga hikaw, kuwintas at pulseras ang mga Pilipino sa panahon ng Metal.
______4. Sa panahon ng Paleolitiko ang mga Pilipino ay umaasa lamang sa kalikasan.
______5. Bronse ang unang metal na ginamit ng mga Pilipino sa Panahon
ng Metal.
D. Panuto: Suriin at pillin sa ibaba ang tamang paraan ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino sa panahon ng Pre-Kolonyal.
❖ Naninirahan ang mga tao sa mga yungib.
❖ Gumamit ng irigasyon
❖ Gumawa ng mga sibat, palaso, at kutsilyo gamit ang tanso at bronse
❖ Hinasa at pinakinis nila ang dati ay magaspang na mga kasangkapang bato.
❖ Nabuhay sa pangangalap ng pagkain
❖ Natututong magsaka at maghayupan ang mga Pilipino.
❖ Natututo silang gumawa ng mga banga at palayok.
❖ Gumamit sila ng mga kasangkapang yari sa tanso at bronse.
❖ Gumamit ang mga tao ng magaspang na kasangkapang bato.
❖ Naninirahan ang mga tao sa tabi ng mga dagat at ilog.
Panoorin ang bidyo na nasa ibaba. Pagkatapos, isulat sa notbuk ang mahahalagang impormasyon tungkol sa napanood na aralin.
Gawin: Sa isang short bond paper, isulat ang iyong pangalan at gumawa ng graphic organizer tungkol sa pang-ekonomikong pamumuhay ng mga pilipino sa panahong pre-kolonyal. Gawing batayan ang impormasyong natutuhan sa bidyo.
Panoorin ang bidyo at pag-aralan ang paraan ng pamumuhay ng sinaunang pilipino.