BALITA
BALITA
PAGHAHANDA PARA SA LAMPARA BOOK CARAVAN
Mga Grade Chairman, nakipagpulong sa mga proponent para sa mas matagumpay na book fair
Ni Darlene G. Espinola, PK2WEST LR Coordinator
Inilathala noong Agosto 11, 2025, 11:00 n.u. PHT
Nagsama-sama kamakailan ang mga Grade Chairman ng Pasong Kawayan 2 West Elementary School para sa isang pagpupulong kasama ang mga proponent ng Lampara Book Caravan na sina Darlene G. Espinola, Learning Resource Coordinator; Wenyveve F. Hernandez, Key Teacher ng Filipino; at Sionyver A. Miguel, School Librarian — upang plantsahin ang mga detalye ng nalalapit na programa.
(Kuha ni Sir Jino Gemarangan) Mga Grade Chairman at proponent ng Lampara Book Caravan habang masigasig na tinatalakay ang mga plano at paghahanda para sa nalalapit na kaganapan sa pagbabasa.