B.T.S. (Basa-Tanong-Sagot). Basahin at unawain ang kuwento at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Gagamitin ang Rubriks na nakapaloob sa pagmamarka ng sagot. ISULAT SA PAPEL ANG IYONG SAGOT.
Tulungan ang mga Halaman
May anunsyo sa radyo at TV na dadaan ang Bagyong Glenda sa Southern Luzon bandang hatinggabi o madaling-araw. Lumalakas ang hangin at pagsapit ng alauna ng madaling-araw ay narinig na ang ingay na tila ilang bubong na ang nagliliparan.
Paggising kinaumagahan ay nakita namin ang maraming punongkahoy na nabuwal. May mga nabali at naputulan ng mga sanga. May mga paso ng mga halaman na nabasag at mga hanging plants na nilipad. Ang daming kalat sa labas ng bahay at sa daan. Karamihan ay mga dahon at sanga ng mga nabuwal na puno.
Pagkakain namin ng agahan, pumunta na kami sa aming bakuran at nagsimulang maglinis ng mga nabaling sanga at mga nakakalat na dahon. Itinayo namin ang mga nabuwal na mga halaman na maaari pang mabuhay. Inayos ang mga halaman sa paso at dinagdagan ng lupa. Buong araw kaming nag-ayos at naglinis.Â
Alam namin na ang mga halaman at puno ay may buhay rin na maaaring sagipin kaya dapat na ayusin. Simula noon, araw-araw na naming inaalagaan ang mga halaman na likha ng Diyos. Pahalagahan at mahalin upang ang dulot nitong kabutihan ay manatili sa atin.
Gabay na tanong:
1. Ano ang madalas na pinsala sa puno at halaman pagkatapos ng bagyo?
_______________________________________________________________________________

2. Paano inayos ang mga halamang nasira ng bagyo?