Summative Bukas.
Ang Islam at Kristyanismo ay dalawang malalaking relihiyon sa Pilipinas.
Ang mga tagasunod ng Islam ay tinatawag na Muslim.
Ang mga Kristiyano naman ay sumusunod sa buhay at turo ni Hesus.
Sa ibaba ang mga paniniwala at turo ng Islam at Kristiyanismo:
1.Paniniwala.
*Sa Islam, ang mga Muslim ay naniniwala sa isang Diyos natinatawag na Allah, at si Propeta Muhammad ay kaniyang sugo.
*Ang mgaKristiyano naman ay naniniwala sa Diyos na ipinahayag o ipinakilala ni Hesus sakaniyang turo at buhay.
2.Banal na aklat.
*Ang bibliya ang banal na aklat ng mga Kristiyano. Ang buhay at turo ni Hesus ang modelong sinusundan ng mga Kristyano.
* Samantala ang Korannaman ang pinagbabatayan ng mga turo sa Islam at ang buhay at turo niMohammad ang sinusunod.
3.Ang Pinakamahalagang Aral.
Ang pangunahing turo sa Kristiyano ay ang
a. pagmamahal sa Diyos at Kapuwa,
b.pagpapatawad, at
c. ang pagsunod sa mga aral niHesu Kristo.
Sa Islam ang Limang Pangunahing Turo (“Five Pillars of Islam”) ay ang
a. pagsagawa ng Pagpahayag o confession (Shahada),
b. panalangin (salah),
c. pag-aayunooFasting (sawn), \
d. pagbigay ng abuloy (Zakat), at
e. ang paglakbay patungo ng Meccahsa abot makakaya(Hajj).
4.Ang Bahay Sambahan.
Ang mga Muslim ay nagsasamba sa Mosque. Ang mga Kristiyano naman ay sa Simbahan.
Sa kabila ng pagkakaiba, maaaring magkaroon ng respeto at maayos na ugnayanang mga Muslim at Kristiyano at sa iba pang relihiyon at paniniwala. Angpagbibigay halaga sa mabuting ugnayan ay kinakailangan para sapakikipagkapuwa tao.
Ang pananalig o pananampalataya ay iba sa paniniwala.
Ang paniniwala ay turo o aral na pinaniniwalaan.
Ang pananampalaya naman ay ugaling taglay ng tao na nagpapatibay ng kaniyang ugnayan sa Diyos.
Ang pagpapahalaga sa pananampalataya ay nakikita sa gawa. Ang sumusunod ay mga nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga magagandang aral na ating pinaniniwalaan.
1.Panalangin
2.Pagsamba
3.Pag-aaral ng salita ng Diyos
4.Pagsunod sa mga Utos ng Diyos