Basahin at Isulat ang sagot sa GMRC Notebook.
Mga Puno at Halaman: Biyaya ng Kalikasan
Malinis, berde, at presko. Ganyan kaganda ang aming kapaligiran. Saan mang dako, may mga halaman at punong nagluluntian. Malinis na hangin at mababangong samyo ng mga bulaklak ay sadya namang nagpapabuti ng aming kalusugan. Lakad dito, lakad doon. Masayang-masayang naglalaro ang mga kabataan. Sa dako pa roon, may mga puno ng mangga na hitik ang bunga. Si kuyang guard ang hinihintay upang manungkit at sa amin ibigay. Ganito kami araw-araw. Salamat kay Inang Kalikasan sa mga biyayang ibinigay.
Gabay na Tanong:
1. Ano ang paksa ng kuwento?
_______________________________________________________________________________

2. Ano-ano ang mga halamang nabanggit sa kuwento?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
3. Bakit masayang-masaya ang mga kabataan?.
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
4. Ayon sa kuwento, anong mahahalagang bagay ang naibibigay ng mga puno at halaman?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
II. Isulat sa patlang ang Wasto kung ang pangungusap ay tama o Di-wasto kung ito ay hindi tama.
SAGOT LAMANG.
____________1. Ang mga puno at halaman ay biyaya ng kalikasan.
____________2. Ang malinis na hangin ay hatid ng mga puno at halaman.
____________3. Masayang-masaya ang mga bata sa kapaligiran dahil sa magandang tanawin handog ng mga puno at halaman.
____________4. Hindi presko ang paligid kung ang mga puno at halaman ay hindi hitik sa bunga.
____________5. Mainit na panahon ang dulot ng mga puno at halaman sa paligid.