Ang pakikitungo sa pamilya ay nangangahulugang isang proseso na ginagamit upang mapanatili ang ugnayan sa mga kapatid, magulang, pamilya, at iba pang mga indibidwal. Ang pakikitungo ay nagbibigay-daan sa mga pamilya na mapanatili ang koneksyon at pagpapahusay ng samahan kung saan ang mga pamilya ay maaaring magkaroon ng pagkakataon upang matuto, mag-ensayo, at ipakita ang mga bagong asal at pamamaraan sa pakikipag-ugnayan.
Ang mabuting o positibong pakikitungo sa bawat kasapi ng pamilya ay mahalagang bahagi ng matibay na pamilya. Ang matatag na pamilya ay umuunlad mula sa pagmamahal, seguridad, komunikasyon, koneksyon – at ilang mga patakaran at nakagawian. Mahalaga na panatilihin at pag-ibayuhin ang mabuti o positibong pakikitungo o relasyon ng bawat miyembro ng pamilya dahil ito ay:
a.nakatutulong sa bawat kasapi ng pamilya, lalong-lalo na sa mga bata namaramdaman ang seguridad at pagmamahal na nagbibigay sa kanila ngkumpiyansa na galugarin ang kanilang mundo, subukan ang bagong mga bagay,at mag-aral.
b.pinapadali para sa pamilya na malutas ang mga suliranin, pagtugma sa mgapagtatalo, at igalang ang mga pagkakaiba ng opinyon.
c.binibigyan ang mga bata ng mga kasanayan na kailangan nila upangmaunawaan at palakasin ang malusog at matatag na relasyon.
d.maaaring mag-udyok sa mga bata na magpamalas ng mataas na moral ngkatangian sa pamamagitan ng pagtatag ng kanilang kaalaman sa tama at mali.
Ang ating mga pamilya ay may malalim na epekto sa ating buhay na humuhubog saating pag-unlad, mga halaga, at mga relasyon. Kaya, kinakailangang panatilihin angmabuting gawi sa pakikitungo sa mga kasapi ng pamilya dahil ito ay nagbibigay ng masaganang benepisyo o positibong epekto hindi lamang sa pamilya kundi maging sa lipunan na ating kinabibilangan.
1.Pag-unlad ng Karakter at Moralidad
2.Personal na Kagalingan at Emosyonal na Paglago
3.Pagiging Responsable
4.Marunong Makiramay, Maawain, at Mapagmalasakit
katangian/talento ay tumutukoy sa likas na kakayahan, husay, o kakayahan ng isang tao sa isang partikular na larangan o gawain. Ito ay maaaring kaugnay sa sining, musika, pagsusulat, pagsasayaw, pag-awit, magagandang kaugalian at marami pang iba.
bukod-tangi- ‘natatangi’ o "isa sa kakaiba” na ginagamit upang tukuyin ang isang bagay, tao, o konsepto na may espesyal o natatanging katangian na nagpapahiwatig ng kakaibang halaga o distinksiyon mula sa iba.
PAMILYA
- ang pinakamaliit na yunit ng lipunan na kinabibilangan ng nanay, tatay, akuya, ate,bunso. Maituturing ding pamilya ang mga taong nagmamahalan, nagmamalasakitan, at nangangalaga sa isa't isa.
Napangangatwiranan
- pagbibigay pahayag sa mga dahilan at kuro-kuro sa isang argumento o pagtatalo.
Pakikitungo
- pakikisama sa ibang tao. Ito ay nangangahulugan ng pagpahalaga mo sa ibang tao sa mga pagkakataong kayo ay may pangangailangang kailangang tugunin at tulong na ibibigay o inaasahan.