Ang heat index ay isang sukat na nagpapakita ng pakiramdam ng init sa katawan ng tao na resulta ng kombinasyon ng temperatura ng hangin at halumigmig (humidity). Kapag mataas ang heat index, mas mainit ang pakiramdam sa katawan kaysa sa aktwal na temperatura, na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan. Ang Pilipinas ay isang tropikal na bansa, kaya't madalas makaranas ng mataas na heat index lalo na tuwing tag-init.
Mga Sanhi ng Mataas na Heat Index
Mataas na Temperatura
Ang mataas na temperatura ng hangin ay pangunahing dahilan ng pagtaas ng heat index.
Mataas na Halumigmig (Humidity)
Ang mataas na antas ng halumigmig ay nagpapataas ng heat index dahil nahihirapan ang katawan na maglabas ng init sa pamamagitan ng pawis.
Kawalan ng Hangin
Ang kakulangan ng hangin ay nagpapahirap sa pag-evaporate ng pawis mula sa katawan, kaya't mas mainit ang pakiramdam.
Epekto ng Mataas na Heat Index sa Kalusugan
Heat Exhaustion
Heat Stroke
Dehydration
Heat Cramps
Resources
Maaaring i-download at i-print ang mga sumusunod na resources para may kopya ka nito sa bahay o sa eskwelahan.