Enrollment Update
Enrollment Update
BRIGADA ESKWELA 2025 NA!
Simula na po ng taunang bayanihan para sa mas ligtas, mas maayos, at mas makabuluhang pagkatuto.
Sa ilalim ng Bagong Pilipinas at temang “Sama-sama para sa Bayang Bumabasa,” nagpapasalamat kami sa mga guro, magulang, LGUs, partners, at volunteers na walang sawang tumutulong para ihanda ang ating mga paaralan.
Sa tulong ninyo, mas handa ang bawat batang Pilipino sa bagong taon ng pagkatuto. Tara na’t makiisa sa Brigada Eskwela!