WELCOME TO LUCSUHIN NATIONAL HIGH SCHOOL:
ESP LEARNING CAPSULE
Magandang araw! Ikinagagalak kong makita ka dito sa ating Learning Capsule. Nawa ay madami kang matutunan at matuklasan sa mga araling nakapaloob dito. Inaasahan namin na makatutulong ito sa pagpapayabong at paghubog ng iyong pagkatao. Laging tatandaan na ang iyong katagumpuyan sa pag-aaral ay lubos naming pinahahalagahan. Maligayang pag-aaral!
Maikling sulyap sa Edukasyon sa Pagpapakatao
Ang Edukasyon sa Pagpapakatao ay isa sa mga asignatura na isinusulong ng Kagawaran ng Edukasyon na naglalayon na linangin at paunlarin ang pagkataong etikal ng bawat Pilipinong mag-aaral. Ito ay nakabatay sa Pilosopiyang Personalismo at sa Etika ng Kabutihang Asal. Lubhang mahalaga at kailangan ang asignaturang ito upang turuan at hubugin ang mga mag-aaral sa pagpapasya at pagkilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat. Nagsisilbi itong gabay sa payapa at maunlad nilang pamumuhay.