MGA PAMAANTAYAN SA PAGKATUTO
Week 1
MELC41: Nakikilala ang
a. kahalagahan ng katapatan,
b. mga paraan ng pagpapakita ng katapatan, at
c. bunga ng hindi pagpapamalas ng katapatan
MELC42: Nasusuri ang mga umiiral na paglabag ng mga kabataan sa katapatan
MELC43: Naipaliliwanag na:
Ang pagiging tapat sa salita at gawa ay pagpapatunay ng pagkakaroon ng komitment sa katotohanan at ng mabuti/matatag na konsensya. May layunin itong maibigay sa kapwa ang nararapat para sa kanya, gabay ang diwa ng pagmamahal.
MELC44: Naisasagawa ang mga mga angkop na kilos sa pagsasabuhay ng katapatan sa salita at gawa
MELC 45: Natutukoy ang tamang pagpapakahulugan sa sekswalidad.
MELC46:Nasusuri ang ilang napapanahong isyu ayon sa tamang pananaw sa sekswalidad
MELC47: Nahihinuha na: Ang pagkakaroon ng tamang pananaw sa sekswalidad ay mahalaga para sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay ng isang nagdadalaga at nagbibinata at sa pagtupad niya sa kanyang bokasyon na magmahal.
MELC48: Naisasagawa ang tamang kilos tungo sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay bilang nagdadalaga at nagbibinata at sa pagtupad niya ng kanyang bokasyon na magmahal.
MELC49: Nakikilala ang mga uri, sanhi at epekto ng mga umiiral na karahasan sa paaralan.
MELC50: Nasusuri ang mga aspekto ng pagmamahal sa sarili at kapwa na kailangan upang maiwasan at matugunan ang karahasan sa paaralan
MELC51: Naipaliliwanag na:
A. Ang pag-iwas sa anomang uri ng karahasan sa paaralan (tulad ng pagsali sa fraternity at gang at pambubulas) at ang aktibong pakikisangkot upang masupil ito ay patunay ng pagmamahal sa sarili at kapwa at paggalang sa buhay. Ang pagmamahal na ito sa kapwa ay may kaakibat na katarungan – ang pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa kanya (ang kanyang dignidad bilang tao.)
B. May tungkulin ang tao kaugnay sa buhay- ang ingatan ang kanyang sarili at umiwas sa kamatayan o sitwasyong maglalagay sa kanya sa panganib. Kung minamahal niya ang kanyang kapwa tulad ng sarili, iingatan din niya ang buhay nito.