Taong 1972, nang maitatag ang mataas na paaralan ng Taywanak. Taywanak Barangay High School pa ang pangalan nito noong kapanahunang iyon. Mula sa isang maliit na bakanteng lote, nabuo at naitatag ang isang paaralan na nagsilbing gabay sa edukasyon ng mga kabataan ng Taywanak.Kung tutuusin, isang malaking pagpapala mula sa Panginoon ang pagkakaroon ng paaralan dito sapagkat no’oy nagtitiyaga at nagsisikap ang mga kabataan na lakarin ang maputik at mabatong daan ng Taywanak makapasok lamang sa paaralan ng bayan ng Alfonso ang “Cavite Highland Institute”. Araw-araw ganitong hirap ang sinusuong ng mga kabataan ng Taywanak magkaroon lamang ng magandang edukasyon kaya naman ang mga mamamayan ng Taywanak ay nagnais at nag planong bumuo at magtatag ng isang paaralang makatutulong sa pagbibigay kaalaman sa mga kabataang nag nanais makapag-aral. Ang pagtatatag ng paaralang ito ay hindi naging madali para sa kanila. Maraming pinagdaanang pagsubok at hirap maisakatuparan lamang ang proyektong ito.
Sinimulan ni Kapitan Eleuterio Pillerva Rivera ang pagplano na magkaroon ng paaralan. Siya ang kauna-unahang barangay captain ng Taywanak. Komusulta si Kapitan Terio kay Gobernador Camarino at humingi ng tulong upang maging posible ang pagtatatag ng Paaralan. Hindi naman tinanggihan ni Gobernador Camarino ang kahilingan ng Kapitan. Pinagkalooban niya ito ng limangpung libong piso upang magsilbing tulong sa pagtatatag ng paaralan. Sa kabutihang palad, tumulong rin sa pag-aasikaso si G.Pastor Anonuevo na dating konsehal at pulis at naging pangulo rin ng PTA Organization ng Taywanak Elementary School sa mahabang panahon. Dumulog si G. Pastor kay Mayor Florencio Montenegro upang humingi ng ilang donasyon upang lalo pang mapaganda at mapa-unlad ang konstruksyon ng paaralan.Pinagsama-sama ni G.Pastor at ni Kapitan Terio ang mga donasyon na kanilang nalikom at sinimulang ipagawa ang apat na silid-aralan. Ang lote na siyang kinatitirikan ng paaralan ay nabili lamang sa halagang limang libong piso Kay G. Cayetano Rollo. Ipinagkaloob ito sa murang halaga bilang donasyon na rin sa paaralang itatatag. Sapagkat ditto rin isinilang at lumaki.Tumagal ng dalawang buwan ang konstruksyon ng apat na silid-aralan.Kabilang s amga tumulong sa pagsasagawa ng paaralan ay sina G.Eleuterio Diroy at G. Cresencio Rollon na kung saan naging taga bantay ng bodega ng mga kagamitan. Mula sa kawalang pag-asa ay nagkaroon ng isang malakas na sinag ng liwanag para kay G. Pastor at kay Kapitan Terio. Subalit hindi pa doon natatapos ang lahat,Kailangan pang iparehistro ang paaralan sa Divisio Office ng Cavite upang maging legal ang pagkakaroon ng paaralan sa Taywanak.Nakatulong din sina Angeles Mojica at Panciano Alla sap ag-aasikaso ng mga papeles ng nasabing paaralan.
Nang magkaroon ng isang seminar ang PTA Organization sa buong Cavite, sinamantala ni G. Pastor ang pagkakataon. Dumalo siya sa pagtitipong iyon na ginanap sa Halang banay-banay, Amadeo, Cavite at doon nga, nakatabi niya at nakakuwentuhan si G. Lunesto Alcazar. Naidulog ni G. Pastor kay G. Alcazar ang problema ng paaralan. At mula nga sa simpleng usapang iyon, tumulong si G. Lunesto Alcazar sa pag-aayos ng mga papeles, at makalikom ng maraming mag-aaral upang aprubahan ng kagawaran ng edukasyon ang kanilang kahilingan. Inilista ni G.Pastor Anonuevo ang mga mag-aaral: 15 mula sa balabag, Indang Cavite sa pangunguna at pag-payag ni Kapitan Enteng (barangay captain ng Balabag), 10 mag-aaral sa Bailen at karamihan ay mula sa Taywanak. Ang mga bilang ng mga mag-aaral na ito ay kinakailangan maisumite sa ladislao Diwa, Cavite City, ito ang dating Division Office ng Cavite. Pinirmahan ni Mrs. De Guzman ang mga papeles ng Taywanak. Siya ang District Supervisor ng kapanahunang iyon. Dahil doon, nagkaroon na nga ng paaralang pambarangay ang Taywanak. Binubuo ito ng Ist year at 2nd year na noóy kasama pa ang Elementarya sa pamumuno at pangunguna ni Mrs Gonzales( Headteacher). Dumulog sa Kagawaran ng Edukasyon sa Maynila sina G. Pastor Anonuevo at naaprubahan ito. Si Gng. Ursula Olaez ang nag asikaso ng mga papeles ng Taywnak na inaprubahan ni Mr. Bernal. Unti-unti na ang pag-unlad ng paaralan. ANg mga unang gurong nagturo dito ay sina Mrs. Aterado, Mrs. Belen, Mrs Pasion,Mrs. Antonia Digma at Mrs. Virgina De Castro. Mula kay Mrs. Sonia Gonzales sinundan ito ni Gng. Cron at ni Bb. Vida bilang head teacher. Lumipas ang maraming taon naging metatag at maganda ang paaralan sa tulong ng mga taong taga Taywanak at noong taong 1988 ang paaralang ito ay naging Taywanak National High school na. Ang kauna-unahang Principal ditto ay si Dr. Elisa Hernandez na tumagal ng isang taong pamumuno hanggang siya ay malipat sa ibang paaralan. Sumunod sa pamumuno si Bb. Famie Apay na nagkaroon din ng malaking tulong sa TNHS.
Bago siya umalis ay itinalaga niya ang yumaong si G. Roberto Dimaranan, OIC ng paaralan. Nang mamatay si G. Dimaranan, Nalipat ang pangangasiwa sa principal ng Luksuhin NHS.na si Gng. Amelita Alcazar. Tinapos lamang ni Gng. Alcazar ang nalalabing buwan ng taon. Sumunod na namahala ng TNHS si Gng. Emelina Barlao na galling sa Kaong National High School, Napaganda din niya ang paaralan. Makalipas ang isang taong pamumuno niya nalipat siya sa Talon National High School sa Amadeo. Sa kasalukuyan si Dr.Aurelia Dejan na galin sa Alfonso National High School na taga Marahan ang namumuno sa Taywanak National High School na may pitong guro ( ang isay mula sa Local School Board): Gng. Jennefer Enaguancho, Bb. Geneilyn Zamora, Gng Carola Bagay, Gng. Lorna G. Badilla, Gng Josie Herrera, Gng. Berlita De Los santos at Gng. Gina Bencito. Wala pang sampung buwan si Dr. Dejan ay marami na siyang nagawa para sa paaralan. Ang pagkakaroon ng telephone at internet connectivity na nuong panahon na iyon ay higit na kailangan sa mga gawaing pampaaralan gayundin ng mga mag-aaral sa bagong asignaturang Information and Communication Technology at sa tulong na rin ng mga stakeholders na taga Taywanak, ang pagkakaroon ng aircon at computer tables, paglalatag ng tiles sa LRC Filipino. Sa kanya ring panunungkulan, nagkaroon ng bagyo dahilan upang magiba ang pader ng Taywanak NHS ngunit hindi natinag ng bagyo ang mabuting samahan ng mga nanunungkulan ng Taywanak Ibaba, Taywanak llaya at marami pang iba, kaagad na dumating ang tulong sa Mataas na Paaralan ng Taywanak upang ito ay maisaayos. Ang kabuuang bilang na 144 mag-aaral ay binubuo ng 1st Year-33 ng 2nd year-40, ng 3rd year-38 at ang 4th Year-28.(March 2009).
Matapos ang termino ni Dr. Dejan 2010, sinundan siya ni Mr. Jose Samson Jr. na nagmula sa General Emilio Aguinaldo National High School (GEANHS) Imus. Sa loob ng isang taon at walong buwan na pagiging Punung-Guro ng paaralan, naisaayos ang bubong at kisame ng TLE building, pagpapasemento ng gate at entrance ng school, repair ng stage, kasama ang stage grills at hagdanan nito, repair ng computer room, Principal’s office, ang muling pagkakaroon ng telephone at internet connectivity ay ilan lamang sa kanyang mga nagawa upang mapa-unlad ang ating paaralan at makapagbigay ng magandang serbisyo sa mga mag-aaral. Ngunit nagkaroon ng promosyon ang Ginoong Samson nuong 2012, bunga nito ay kinailangang lisanin niya ang ating paaralan. At sinundan siya ni G. Ireneo Mendoza, tubong Tanza, Cavite. Siya naman ay nakapagpagdagdag ng pasilidad na comfort room para sa babae at lalaki na mag-aaral. Sa kanyang panunungkulan nagkaroon ng muling pagkakaisa at pagtutulungan ng mga stakeholders dahil sa paghohost ng SCSAU Meet. Ngunit noong 2015, kinailangan ang kanyang serbisyo sa Asis National High School, at muli na namang nawalan ng isang Punung-Guro ang paaralan.
Buwan ng Hunyo 2015 dumating sa Paaralan si Ginoong Onofre R. Espineli na nagmula sa Alfonso National High School. Siya ay tubong Alfonso. Kung kaya’t isa sa mga pangunahing plano ay ang madagdagan at maisaayos ang pasilidad ng Paaralan. Sa unang taon ng panunungkulan, Nakapagpalagay sya agad ng bagong linya ng tubig Paaralan dahil sa pagkasira ng motor nuong lumang linya ng tubig. Sa ikalawang taon, naging pokus ang School Improvement tulad ng pagpaparenovate ng reading center, Yes-O Garden, muling pagpapakabit ng mas mabilis at malawak na sagap ng internet Connection na pangunahing pangangailangan sa ICT at iba pang gawaing pang-paaralan, sa taon ding ito ay naisagawa ang bagong school building na binubuo ng dalawang klasrum na ang isa ay inilaan sa paglalagakan ng mga kompyuter na galling sa DCP units at isa ay naging kalsrum ng grade 10 at para sa seguridad ng mga kompyuter nakapakabitan ng grills ang lahat ng bintana at pinto nito na nagmula sa proyekto ng GPTA- President na si Gng. Fria Jane Romasanta. Sa kanyang huling termino naging pokus nya ang “Professional Growth” ng lahat ng mga guro. Nang dahil rin sa maagap at masipag na pagli-liquidate ng pondo ng Paaralan nakamit natin ang pagiging finance champion. Ngunit noong August 2019 natapos ni G. Espineli ang kanyang termino dahil sa kanyang pagreretiro.
Matapos ang panunungkulan ni G. Onofre R. Espineli bilang punonguro, pansamantalang pinamunuan ang paaralan ng superbisor ng Distrito na si Dr. Anacleta B. Incognito mula Setyembre 2019 hanggang Enero 2020. Sa kanyang pangunguna sa paaralan, dito naganap ang balidasyon ng PPA’s o DEPED Seven Program Banners. Tumagal ang kanyang pamamahala sa loob ng mahigit limang buwan at kasabay nito ang kanyang pagsasanay at pag-alalay kay Gng. Carola R. Bagay upang maging Teacher-In-Charge sa naturang paaralan habang wala pang punonguro na manunungkulan.
Pebrero 2020, nagsimula ang pamumuno ni Gng. Carola R.Bagay bilang TIC ng paaralan. Isang malaking hamon ang pamamahalang ito sa panahon ni Gng. Bagay sapagkat lumaganap ang nakababahalang pandemya na COVID-19. Kaalinsabay din nito ang pagbabago ng sistema ng edukasyon kung saan ay naging MODULAR DISTANCE LEARNING ang ipinatupad sa karamihang paaralan. Sa kabila ng sitwasyong ito, ang Mahal na Paaralan ay buong lakas at tatag na hinarap ang mga pagbabagong ito mula sa face to face patungong MDL sa pangunguna ng TIC kasama ang mga guro, stakeholders, opisyales ng barangay, magulang, piling focal parents at lahat ng mga bumubuo sa paaralan. Dama ang pagkakaisa ng pamayanan upang hindi maputol ang edukasyon na laan at pangarap ng paaralan para sa mga mag-aaral. Higit din na napatunayan ang pagtutulungan ng maging katuwang ng paaralan ang mga opisyales ng barangay at mga komite ng edukasyon sa paglulunsad ng Brigada Pagbasa sa kabila ng pandemya na bahagi ng pagkatuto ng mga mag-aaral na kailangan ng gabay sa pagbasa.
Taong 2022, nagkaroon ng palitan ng panunungkulan sa pagitan ng Taywanak National High School at Kaysuyo National High School. Buwan ng Marso ng ganap na mapalipat si Gng. Carola R. Bagay sa Kaysuyo at si G. Leovy N. Mirabona sa paaralan.
Sa kasalukuyang panunungkulan ni G. Mirabona bilag Ulong Guro o Head Teacher ng Taywanak National High School, dito unang isinakatuparan ang pakikiisa ng paaralan sa Progressive Expanded Limited Face to Face matapos ang dalawang taong pagsubok bunsod ng pandemya.
Ngayon ang paaralan ay binubuo ng isang Head Teacher, pitong permanenteng guro , isang LSB teacher , isang Administrative Aide at isang Job Order personnel. Ang mga nabanggit ay sina G. Leovy N. Mirabona - HTI, Gng. Lorna G. Badilla- TII, Gng. Geneilyn Z. Panganiban-TII, Gng. Jennefer E. Enguancho -TII, Bb. Anna Mae N. Salazar - TII, Gng. Maryann Venice P. Cailing- TII, Bb. Annie C. Silvan- TI , Bb. Nikkie R. Peji- TI, Gng. Leonila Erika C. Enabore-LSB, Leonardo Reyes AAI, Jerry A.Badilla-JO at mga mag-aaral na may kabuuang bilang na 166 ngayong Abril 2022.